14

3.3K 128 85
                                    

"I have an important meeting with Architect Gallano and Engr. Galve tomorrow. I think that you should come. Makikinig ka lang naman sa meeting. Wala kang ibang gagawin."


Ngumunguya ako habang nakatingin kay Papa. Nasa bahay na kami ngayon at sabay kaming kumakain ng dinner. Tomorrow is Saturday and I need to meet Calib. Hindi ako free.


"I need to meet someone tomorrow," sabi ko.


Umarko ang kilay ni Papa. "Someone?"


"A friend," pag-klaro ko.


"Si Miko?"


Umiling ako. "A new friend."


Pinaningkitan ako ni Papa ng mata kaya kumunot ang noo ko. What is he thinking? Sa mukha niya kasi ay parang pinagdududahan niya ako.


"Are you seeing someone, Liege? May girlfriend ka na ba?"


Napangiwi ako sa tanong ni Papa. "Wala akong oras para mag-girlfriend, Pa. Saka masyado pa akong bata para sa ganyang mga bagay. Masyado ka talagang chismoso."


"I'm just asking," natawa siya. "But it's good that you have another friend aside from Miko and Yianne. It's good that you're making friends. Just make sure that he's real friend para 'di na maulit ang nangyari sa 'yo dati."


Siyempre, alam ni Papa ang nangyari sa amin ni Novem dati. Hindi ko man maintindihan kung bakit sa akin siya nagalit dati kaysa roon sa mga nandamay sa 'kin, okay na rin kasi alam kong naiintindihan niya na ako ngayon. I know that he thinks I'm innocent now. I didn't know when did he realize but I'm glad he did.


Kinabukasan ay papunta na ako sa bahay nila Calib kahit alas siete pa lang ng umaga. Sinabi niya sa 'kin kahapon na pumunta ako sa bahay nila pero 'di ko alam kung bakit nagulat pa rin siya nang makita niya ako. Para siyang nakakita ng multo. Nakahawak pa nga siya sa dibdib niya.


"Nagulat ka ba sa kapogian ko?" tanong ko.


Kunot-noo niya akong tiningnan. "Bakit ang aga mo?"


"May sinabi ka bang call time? Wala, 'di ba?"


"Liege, alas siete pa lang," aniya. "Marami pa akong gagawin. Magwo-workout pa ako, maglilinis pa ako ng bahay, at magpapakain pa ako ng pusa."


"Hindi naman ako nagmamadali," sabi ko. "Saka pwede naman kitang tulungang maglinis ng bahay niyo. Marunong naman ako nang kaonti sa household chores."


Napakamot siya sa ulo niya. "Pumasok ka na lang sa loob at umupo ka. I'll just workout real quick. 'Wag ka munang manggulo."


Ngumisi ako at pagkatapos ay pumasok na ako sa sala nila. Walang tao sa bahay nila at mukhang nakaalis na yata 'yung mga magulang ni Calib. Palagi na lang talaga siyang mag-isa sa tuwing nandito ako.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon