12

3.3K 112 48
                                    

"You can just stay here today."


Dumapo agad ang tingin ko kay Papa. "Ayoko, Pa. Gusto kong magpunta sa resort. Maiinip lang ako dito kaya mas mabuting nandoon ako. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay."


"Wala ka rin namang ginagawa roon, Liege," aniya.


"Technically, yes, pero may natututuhan ako sa t'wing nandoon ako. Exposure will teach me how the environment is like," sabi ko. "Not that I'm interested already. Gusto ko lang talagang nandoon ako."


"Okay," aniya. "Ibibilin na lang kita kay Priscilla mamaya."


Pagkatapos naming kumain ng agahan ay nagtungo na agad kami ni Papa sa resort. He'll leave after lunchtime kasi may dadaluhan daw siyang importanteng event sa kabilang bayan. Kaya rin gusto niya akong 'wag na lang sumama kasi baka raw busy si Ms. Priscilla mamaya at walang magbabantay sa 'kin sa resort. He must've forgot that I'm already 19. Hindi ko kailangan ng tagabantay.


Dumeretso agad si Papa sa opisina niya at siyempre, sumunod naman ako. Nag-uusap sila ni Ms. Priscilla kaya nagpunta muna ako sa terrace para doon tumambay. Umupo ako at kinuhanan ng video ang dagat. The weather was so nice so the view was better. Ang ganda talaga rito.


Nahagip ng camera ko si Calib na nakaupo sa buhangin sa 'di kalayuan. Mag-isa siya at may iniinom siyang kung ano. Nakatalikod siya kaya tiningnan ko lang siya at pinag-aralan kung ano ang ginagawa niya. I think he's waiting for his work shift to start.


Nang mag-usap kami kahapon ay 'di niya sinabi sa 'kin kung kailan niya ako tuturuang mag-surf. Hindi ko rin siya tinanong kasi gusto kong siya ang mag-decide kung kailan niya ako tuturuan kasi siya lang naman ang busy sa aming dalawa. Tumutunganga lang naman kasi ako rito.


Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ay tumayo ako at nagpaalam kay Papa na lalabas muna ako para maglakad-lakad. Pagkapayag niya ay kumaripas agad ako ng takbo para puntahan si Calib sa tabing-dagat. Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali pero literal na tumakbo talaga ako.


I fixed my aura. I don't wanna look friendly and approachable so I also fixed my facial expression. Naglakad ako palapit kay Calib. Tumayo ako sa may gilid niya pero medyo magkalayo kaming dalawa kaya 'di niya agad ako napansin.


Nakapamulsa akong nakatingin sa dagat. Hindi ako nagsalita at hindi ko rin siya tinawag o nilingon man lang. I'm not really planning to talk to him. I just want him to be aware of my presence. Kailangan niyang malaman na may kasalanan siya sa 'kin. Kahit na dati pa 'yon at kahit pa valid naman 'yung galit niya kasi 'di niya alam ang totoo, galit pa rin ako sa kanya.


Hanggang ngayon kasi talaga ay nabubuwisit pa rin ako kapag naaalala ko na sinuntok niya ako dati. Was he really head over heels for Miami? Galit na galit kasi talaga siya sa 'kin nang malaman niyang ako raw ang nagpakalat ng sex tape. He hit me like it was the end of the world. Gusto ko rin tuloy siyang suntukin ngayon para makabawi man lang ako.


Nilingon ko si Calib pero bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin na siya sa 'kin. Umiwas din naman siya kaagad ng tingin kaya umiwas na lang din ako. Grabe. Hindi siya nagbago. Hanggang ngayon ay snob pa rin siya.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon