15

3.5K 118 59
                                    

The first day of school was fine.


Dahil nga first day, walang nangyaring formal na klase. Puro orientation lang kasi 'yung ginawa ng mga teacher na pumapasok. Mabuti na lang din at 'di pa nagsimula 'yung klase kasi hindi pa ready 'yung utak kong mag-aral. Nasa Villarreal pa rin kasi 'yung utak ko hanggang ngayon.


Bitin na bitin ako sa sem break. Gano'n din si Yianne kaya habang nagme-meryenda kami sa cafeteria ay 'yon ang bukambibig niya. Kinwento niya rin sa 'kin 'yung lalaking nakilala niya noong nagpunta sila ng Palawan. Wala akong maikwento sa kanya kaya nakikiusyoso lang ako sa ganap niya noong bakasyon.


Pinakita niya sa 'kin 'yung pictures ni Kevin, 'yung lalaking nakilala niya. Magkausap na sila sa IG. Mukha namang matino 'yung lalaki kaya naging kampante na rin ako.


Pagdating ng weekend ay dinalaw ko si Miko sa unit niya. Siyempre, nadatnan ko siyang nag-aaral na naman. Pagpasok ko nga sa unit niya ay may mga manila paper na nakadikit sa dingding niya. May mga drawing doon na patungkol sa inaaral niya. Mayroon ding mga words na naka-highlight. Grabe talaga 'tong si Miko.


I tried reading the writings on the paper pero wala akong maintindihan. Tama nga siya. Hindi nga para sa 'kin ang pagpi-piloto. I'm too uncommitted to enroll myself in flight school and study planes. I don't have the motivation Miko has. Iba talaga ang dedication niya sa pag-aaral.


We spent the whole Saturday talking about the things I did during sem break. Walang sem break sa flight school si Miko kaya ininggit ko siya nang sinabi kong nag-chill lang ako noong nasa Villarreal ako. Kinwento ko rin sa kanya 'yung tungkol sa offer ni Papa sa 'kin sa resort. Miko told me to give it a try but I'm not sure if I want to take his advice.


"Baka 'di ko kayanin," sabi ko. "Business is very difficult and I don't think I can manage something that big. I don't think I'd be as good as my father. Baka malugi lang 'yung resort 'pag sa 'kin napunta."


"Your father was also once a beginner, Liege," he said. "No one starts something and immediately becomes a pro. It takes years and years of understanding and learning. Lahat pinag-aaralan."


"But I'm scared," sabi ko.


"As you should," sabi niya naman. "You know, being scared is important. Kasi kung hindi ka takot o kinakabahan na gawin ang bagay na 'di mo pa nagagawa, 'di mo gagawin ang lahat ng makakaya mo kasi kampante ka. Allow yourself to be a beginner, Liege, and remember that fucking up is inevitable if you're a beginner."


"Have you ever fucked up in flight school?" tanong ko.


Natawa si Miko. "A million times."


I thought about what Miko said when I got back to my unit. I wanna give it a try but I'm really scared. Natatakot ako na baka 'di ko maintindihan o worst, wala kong maintindihan tungkol sa business. I always have been a disappointment to my father and I'm scared that I might disappoint him again. Natatakot ako na mawala 'yung lahat ng pinaghirapan ni papa dahil lang sa 'kin.


The next few weeks were okay. Medyo naging busy na rin ako kasi marami na ring nangyayari sa school at marami na rin akong inaasikaso. 'Di naman na ako gaya ng dati na chill lang sa acads. Bawal magpabaya kasi ayokong bumagsak.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon