25

3.6K 91 115
                                    

CW: Sexual content ahead. Read at your own risk.


Bumalik ako ng Maynila at bumalik sa normal na buhay ko.


I got busy doing a lot of things. Siyempre, mahirap ang kolehiyo. Hindi pwedeng pa-petiks-petiks lang kaya talagang aminado ako na nahihirapan akong i-manage ang oras ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakakaya ko naman.


Busy rin sa Calib sa buhay niya sa Villarreal. Sobrang busy niya kasi una, graduating student siya at pangalawa, busy siya sa pag-eensayo sa surfing kasi papalapit na 'yung surfing competition. Na-postpone 'yung date ng event kaya na-postpone rin 'yung pagbawi niya. Hindi siya nanalo last year at ngayong taon, balak niyang manalo ulit kaya gano'n na lang ang pag-eensayo niya.


We understand that we have a life outside our relationship so it's normal for us to only call each other once in a while. Hindi naman namin kinakalimutan 'yung isa't isa, pina-prioritize lang namin 'yung mga bagay na kailangan naming gawin sa para sa sarili namin. Nag-uupdate kami sa isa't isa araw-araw pero kung magtawagan kami ay minsanan lang talaga sa isang linggo.


Today is Wednesday at parehas naming exam week ni Calib. Finals week namin at gano'n din si Calib kaya literal na hindi kami nag-usap buong linggo. Noong Sunday kasi ay sinabi sa 'kin ni Calib na sumabay sa exam week niya 'yung surfing tournament kaya mas lalo siyang magiging busy.


I was definitely okay with it and I understand that we have to focus. Hindi ko rin muna siya kinulit kaya isang beses lang ako sa isang araw kung mag-chat sa kanya. He wasn't online so he couldn't read my messages. He's probably really busy. Hinayaan ko na lang.


Kinagabihan, biglang nag-message si Sigrid sa 'kin sa Instagram. She rarely messages me so whenever she does, she's about to say something important. Bigla tuloy akong kinabahan at nataranta.


She only had one message but it was enough to make me shiver.


@sigridchua

this isn't something u'd love to see but


Pagkatapos ng message niyang 'yon ay nagsend siya ng tatlong picture. It was a picture of Calib and Miami standing in front of each other by the beach. Alam kong sa resort namin 'yon kinuhanan. Sa unang dalawang picture ay nag-uusap lang sila pero sa pangatlo ay naghalikan na sila.


They were kissing on the lips while the sun was setting.


Para akong nabulag sa nakita ko. It was like the world stopped spinning, the clock stopped ticking, and my heart stopped beating and it wasn't even an exaggeration. I let go of my phone and I sighed. Pumikit ako at pinilit 'yung sarili na intindihin 'yung nakita ko.


I tried to understand everything. God knows that I did but no matter what I do, I just couldn't understand anything. Nothing sinks in. Calib kissing another woman won't sink in.


Nakita ko 'yung mga bagong message ni Sigrid. She's explaining how she saw them kissing and I read all of her messages but I couldn't understand any of them. The overwhelming feeling was devouring me, making me unable to understand anything.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon