13

3.1K 108 66
                                    

Nakayuko lang ako habang nag-uusap sila.


It was so awkward to be between them. Habang nakayuko ako ay nag-foformulate na ako ng sasabihin kay Calib kasi gusto ko na talagang umalis. Mukhang may importante kasi silang pag-uusapan ni Miami at ayokong makinig.


"Uuwi na lang ako," sabi ko kay Calib kalaunan.


"Hindi," aniya at saka nagmadaling kumuha ng bagong damit. Agad niyang sinuot 'yon saka ako tiningnan. "Hindi ka uuwi."


Umawang ang labi ko sa gulat. Gago. Ano raw?


"Calib, dinalhan kita ng mangga," sabi ni Miami. Ipinakita niya ulit kay Calib 'yung mga hinog na manggang dala niya na para bang 'di nakita 'yon ni Calib kanina.


"Pake ko?" tanong ni Calib kay Miami at saka siya lumapit sa 'kin. Hinawakan niya 'yung palapulsuhan ko at pagkatapos ay lumabas kaming dalawa.


Nagulat ako sa ginawa niya pero 'di ako pumalag at sumunod lang ako sa kanya. Narinig ko pang tinawag siya ni Miami pero 'di na siya nakinig. Hanggang sa makalayo na kami ni Calib sa bahay nila ay hawak niya pa rin ako sa palapulsuhan. Saka niya lang ako binitawan nang makarating na kami sa tabing-dagat.


"Bakit mo naman siya iniwan doon?" tanong ko kay Calib.


"Pwede bang 'wag natin siyang pag-usapan? Naiirita ako," sabi niya.


Halata sa mukha ni Calib na naiirita siya. Ayokong mas lalo siyang mairita kaya 'di na lang din ako nagsalita. Tumabi na lang ako sa kanya sa pag-upo at tahimik naming pinanood ang dagat.


Dahil ngayon na lang ulit kami nagkita ni Calib matapos kong ma-expel dati, ngayon ko lang din nalaman na naghiwalay pala talaga sila. Akala ko kasi ay nagkaayos sila pagkatapos noong nangyari. Mabuti na lang at 'di gano'n ka-tanga si Calib para makipagrelasyon pa ulit kay Miami.


Halos isang oras pa kaming tumambay ni Calib sa tabing-dagat bago ako tuluyang nagpaalam. Siyempre, kailangan kong maunahan si Papa sa pagbalik sa resort para 'di ako mapagalitan. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya na aalis ako. Kahit kay Ms. Priscilla ay 'di rin ako nagpaalam. Mabuti na lang at pagbalik ko sa resort ay wala pa si Papa kaya safe ako.


Kinabukasan ay sumama na naman ako sa resort. Habang busy si Papa na mino-monitor ang operations ng resort, ako naman ay nakahilata lang sa isang sun lounger na nasa harap ng dagat. Kagagaling ko lang sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Calib para bumili ng kape. Maraming customer kanina sa coffee shop kaya 'di na lang ako tumambay roon. Makikita ko rin naman siguro si Calib mamaya. Siya naman kasi ang ipinunta ko roon.


I was reading a book about business while drinking my coffee. Interesting naman 'yung binabasa ko at kahit papaano ay may natututuhan naman ako. 'Di nagtagal ay tumigil ako sa pagbabasa nang bigla akong may naalala.


Napangiti ako sa sarili ko nang maalala ko 'yung sinabi ni Calib kay Miami kahapon. He said that I went to their house because we're friends. Alam ko naman na 'di kami totoong magkaibigan pero 'di ko lang mapigilang matuwa. Hindi ko nga alam kung bakit ako natutuwa, eh. It's not like he meant that. May kasalanan pa siya sa 'kin at hindi pa siya bayad.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon