22

3.6K 91 66
                                    

CW: Sexual content ahead. Read at your own risk.


"Ilang beses tayong uulit, Calib?"


"Hangga't kaya natin, Liege," sagot niya.


Tumitig lang ako kay Calib. I had a lot of worries inside my head but Calib's words gave me comfort. Ipinaparamdam sa 'kin ng mga salita niya na hangga't kaya namin ay pwede kaming umulit nang umulit. Pwede kaming lumaban nang lumaban.


Although I still worry if this would work, I somehow felt calm because I can see that Calib is serious with me. As long as we both want this, everything will be fine. It won't be easy but we'll be fine.


Hinalikan niya ako. "I'm sorry about what happened. Hindi ko maipapangako na 'di na mangyayari ulit 'yon kasi 'di ko makontrol si Lola pero sana maintindihan mo na may mga rason ako kung ba't 'di ko masabi sa kanya 'yung totoo."


Ngumiti ako. "Naiintindihan ko."


"I'm so sorry," sabi niya. "Basta. Tandaan mo lang na kahit ano pa ang marinig mo sa paligid na patungkol sa akin at kay Miami, hindi totoo ang mga 'yon. I'm over her a long, long time ago. I just can't tell them that I have you now but trust me, it's just you, Liege. Wala akong iba."


Calib's eyes are so sincere as they looked at me. His eyes are always pretty but they're prettier when he tells me how he feels. Para kasing kumikislap ang mga mata niya 'pag sinasabi niya sa 'kin 'yung mga gusto kong marinig mula sa kanya.


"Wala rin akong iba, Calib," sabi ko sa kanya. "Ikaw lang din."


He smiled at me. We shared a short kiss before we decided to go to our house. Umuwi naman na daw si Miami sa kanila at tulog na rin daw si Lola Elsie kaya pwede nang makalabas si Calib.


It was already 3 in the morning when we got to our house. Pagdating namin doon ay may gising pa 'yung helper namin na si Ate Melissa kasi naglilinis siya ng sahig.


"Merry Christmas po," bati ni Calib sa kanya.


Ngumiti si Ate Melissa. "Merry Christmas din, hijo. Ikaw 'yung sikat na surfer, 'no?"


"Surfer lang po ako. Hindi po ako sikat," pa-humble na sabi ni Calib kahit alam niya naman talagang sikat siya.


"Hindi, sikat ka kasi nakikita kita sa TV," giit ni Ate Melissa. "Pwede ba akong magpa-picture sa 'yo? Crush ka kasi ng pamangkin ko."


"Ate, crush ko rin po siya," bulong ko sa hangin.


Siniko ako ni Calib kasi mukhang narinig niya 'yon. Natawa na lang ako. Kinuhanan ko muna sila ng picture dalawa bago kami pumasok sa loob ng kwarto. Sobrang daldal ni Ate Melissa. Sa lahat ng helper namin dito sa bahay, siya 'yung napapansin kong talagang madaldal. Minsan nga ay nagchi-chismisan kami no'n, eh. Madaldal din kasi ako.


Nabitin ako sa ininom ko kanina kaya 'di nagtagal ay lumabas ako ng kwarto para kumuha ng alak sa kusina. Kumuha ako ng isang boteng gin. Pagpasok ko ulit sa kwarto ay nakaupo na si Calib sa may swivel chair ko at nakatingin siya sa 'kin. He was waiting for me.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon