30

3.8K 97 60
                                    

TW: Death, homophobia


Nandidiri ako sa sarili ko.


Nakauwi na ako sa bahay at tapos na akong maligo pero ramdam na ramdam ko pa rin ang halik ni Miami. Nakatitig ako sa kisame at nagagalit sa sarili ko kasi bakit ko siya hinayaang halikan ako. Hindi ko 'yon gusto pero bakit ko siya hinayaan? Hindi ko alam kung ano'ng nakain ko.


Tangina. Niloloko ko si Liege.


Nagpahalik ako sa babaeng ayaw niyang kasama ko. Napahilamos ako sa mukha ko at kinuha 'yung cellphone ko para i-chat si Liege. Hindi siya online at naiintindihan ko 'yon kasi alam kong marami siyang ginagawa. Nag-iwan na lang ako ng message sa kanya saka natulog na.


Naging sobrang hirap sa 'kin ng mga sumunod na araw. Unang-una, nalaman ko na na-disqualify ako sa annual surfing competition. 'Yung certificate of participation na ipinasa ko dati pa ay biglang ni-reject at sinadya 'yon ng Lola ko.


Sinabi niya noong nakaraan na 'di niya susustentuhan ang pag-aaral ko. Hindi ko siya sinagot no'n kasi alam ko naman na makakaya kong paaralin ang sarili ko lalo na kasi may scholarship naman ako sa surfing. Ang kaso, na-disqualify nga ako kaya 'di ko alam kung may matatanggap pa ba ako.


Kinamumuhian ako ng lola ko dahil bakla ako at sa totoo lang, 'di ko 'yon matanggap. 'Di ko alam kung kailan ko 'yon matatanggap. Hindi ko naman siguro kasalanan na gusto kong maging totoo sa sarili ko. Gusto ko lang namang maging ako at wala naman sigurong masama roon.


Gusto ko lang naman magmahal. Bakit kailangang ganito?


Na-admit si Lola sa hospital dahil inatake siya ng high blood niya. Siyempre, takot na takot ako. Alam ko man na galit siya sa 'kin, 'di pa rin nabura sa 'kin 'yung takot na mawala siya. Takot na takot ako. Ni hindi ko nga alam kung paano ko pa siya nadala sa hospital dahil sa sobrang kaba ko.


Habang pinapasok si Lola sa emergency room ay nakaupo lang ako sa sahig. Hindi ako umiiyak dahil sa gulat ko. Ni hindi ko alam ang gagawin ko dahil nagulat ako sa pangyayari. Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang hinahaplos ni Ronin 'yung likod ko.


Dahil nga nadala naman namin siya agad sa hospital ay naagapan siya kaya naging stable rin siya. Nag-volunteer si Miami na siya na muna ang magbabantay kay Lola kasi may trabaho ako kaya 'di na rin ako nakipag-away. Ayoko mang magkaroon ng utang na loob sa kanya, hinayaan ko na lang kasi nga kailangan ko rin naman mag-trabaho. Kailangan ko ng pera.


Ilang araw ko nang china-chat si Liege pero 'di siya nagre-reply. Sinusubukan ko siyang tawagan pero 'di ko siya ma-contact. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya kaya nag-aalala rin tuloy ako. Pakiramdam ko ay ang layo na namin sa isa't isa.


Isang gabi ay biglang dumating si Liege sa bahay namin. Hindi siya nagsabi na darating siya kaya gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko siya. I couldn't remember when was the last time I saw his face so there was intense longing when I finally saw him.


Miss na miss ko siya.


Parang bigla akong nakahinga nang maluwag nang makita ko siya. He's a sight of relief. Alam kong pagod na pagod siya sa dami ng ginagawa niya sa Maynila kaya sobrang laking bagay ng biglang pag-uwi niya.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon