f i v e

46 7 5
                                    

KEITH LUSTERIO

Dali-dali 'kong tinanggal ang pagkakaseatbelt ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Gerard. Malayo pa lamang ay nakarinig na ako ng isang malakas na palahaw. Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanila ay nakita ko si Gerard na duguan, nakapatong sa hita niya ang ulo ni Cath na ngayon ay halos buong mukha ay nalalagyan ng dugo. Tahimik lang ang lahat habang pinapanood ang dalawa. Walang naglalakas ng loob na lapitan si Gerard dahil halos lahat ay natatakot sa pwede nitong gawin.

"C-cath" Ang tangi kong nasabi habang pinagmamasdan ang dalawa.

Maya-maya'y may nagsisigaw at humawi ang daan. Doon ko nakita si Darryl na kasama si Pia na ngayon ay luhaan. Napatakbo si Pia kay Cath habang napaluhod na lamang si Darryl.

"Cath? Cath! Oh please" Luhaang usal ni Pia habang inuuga ang katawan ni Cath.

Kagaya ng mga nasa palabas, nahuli na naman ng dating ang mga pulis at ambulansya. Agad isinakay si Cath sa stretcher at ipinasok na sa sasakyan kasama si Gerard na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin naririnig na nagsasalita. Tumakbo ako patungo sa kotse ko at susunod na sana sa ambulansya nang madaanan ko sila Darryl. Ngayon ko lang napansin na nakapang-tulog na damit pa pala si Pia.

"Sakay" Sabi ko nang madaanan ko sila. Agad naman silang sumakay. Si Darryl ay sa tabi ko samantalang sa likod naman si Pia na mag-isang umiiyak.

"What the hell just happened?" Biglang tanong ni Darryl habang nakatingin sa kawalan. Maging si Pia na umiiyak kanina ay napatigil na waring hinihintay ang sagot ko.

"I don't know. Ang alam ko lang sinundan niya kayo kanina sa pag-aakalang may adik na nagtanggal ng kung ano sa kotseng sinasakyan niyo. But then, baliktad pala" Napabuntong-hininga ako.

"Kotseng sinasakyan ni Cath ang napagtripan at hindi ang sinasakyan niyo" Napasipa na lamang si Darryl samantalang lalong lumakas ang pag-iyak ni Pia.

"We're here" Sabi ko at ipinark ang kotse ko. Sabay-sabay kaming tumakbo papunta sa loob ng marinig ang malakas na pagsigaw. Agad kaming pumunta sa pinanggalingan ng sigaw at nakita namin si Gerard na luhaan habang pinipigilan ng mga guwardiya niya dahil hawak-hawak niya ang kwelyo ng isang doktor.

"DO ANYTHING TO SAVE HER! I'M GONNA KILL ALL OF YOU IF YOU FAILED! DO YOU UNDERSTAND?" Sabi nito at pinakawalan na ang doktor.

"G-GD" Pautal-utal na wika ni Pia.

"Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ni Gerard sa mga nakahawak sa kanya na agad din naman siyang binitawan.

Napaupo na lamang si Gerard sa sahig nang may isang matandang babaeng dumating kasama ang isang lalaking medyo may katandaan na rin at nakatuxedo rin.

"Naku jusko! Gerard, hijo!" Sabi nito at napaupo na lamang din na nakalevel kay Gerard at niyakap ito. Yumakap din naman si Gerard sa bisig na matanda at doon na nagsimulang umiyak ng mas malakas.

"C-cath. She isn't dying, right?" Sabi nito sa babae at ngayon ko lang napagtantong nasa may operating room pala kami.

"Masyadong napuruhan ang ulo niya kung kaya't kinakailangan ding operahan ito. Nabali rin ang ilan sa kanyang mga buto at maraming dugo ang nawala sa kanya" sabi ng isang medyo may katandaang lalaki na kasama ng matandang babaeng nagpapatahan kay Gerard.

Napatingin naman ako sa kanya kaya napatingin rin siya sakin, "Young Master Keith," at nginitian ako nito.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?


GERARD GONZALEZ

"Tahan na. Kapag nalaman ng kapatid mong umiiyak ka at nakaupo rito sa sahig tiyak akong pagtatawanan at aasarin ka niya" Pagpapagaan ni Manang ng loob ko.

"You aren't the Gerard I've known for how many weeks" Biglang may nagsalita kung kaya't napatingin ako rito.

"Keith" Nakatayo siya sa harap ko't nakalahad ang kamay sa akin. Kukuhanin ko na sana ito nang may narinig akong tunog mula sa kwartong pinagpasukan kay Cath na nakapagpantig ng mga tenga ko.

"Cath"

.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon