f o u r

62 6 7
                                    

CATHERINE GONZALEZ

Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid habang nasa byahe. Wala rin naman kasi akong magagawa kung may kagagalitan o magmamaktol pa ako, mapapagod lang ako. Besides, he caught me red-handed. That filthy muggle!

"Manong, ilang taon na kitang driver?" Napatanong ako out of the blue.

"Simula po nang umalis sila Sir, Ms. Cath" Napatango na lamang ako.
Medyo matagal na rin pala.

"Hindi po ba kayo hinahanap ng pamilya niyo? Ng mga anak niyo?" Okay, that's a lame one.

"Kilala na ho nila kayo. Sa katunayan nga po, gusto kayong pasalamatan ng asawa ko sa personal pero nahihiya po siya sa inyo" Mula sa rearview mirror ay nakita ko ang kanyang pagngiti.

Nahihiya sakin? Bakit naman?
Bakit nga ba sila mahihiya sakin, wala na nga akong ginagawa e.

'Akala mo lang wala kang ginagawa, pero sa mga ikinikilos mo ay pinagmumukha mo talaga sa kanila na iba ka sa kanila' GD once said to me one time.

"Ms. Cath, narito na po tayo," napabalik muli ako sa reyalidad.

"Sigurado na ho ba kayo na dito iyon? Mukha hong walang tao," dagdag pa niya kung kaya't napatingin ako sa bintana.

"Si GD ang host sa event, Manong. Baka naman nagsisimula na sila," sagot ko.

"Sige po, ingat po kayo" pamamaalam ko at binuksan na ang pinto ng kotse.

Paglabas ko pa lamang ng kotseng sinasakyan ko ay isang napakalamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking katawan. Kung ipagkukumpara'y higit na mas malamig itong natural na hangin kesa sa aircon sa kotse. Kasabay ng hangin na iyon ay isang pakiramdam ang aking naramdaman - parang may mali pero hindi ko alam kung ano ito.

"That was just.... weird" wika ko at diretsong pumasok sa pinto.

Pagkapasok ko pa lamang ay may maliwanag na ilaw na ang sumalubong sa akin, mga bulungang walang tigil, at mga tinging wari mo'y diring-diri sila sakin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kelan ba ako masasanay? It's been years since they started treating me this way tho I know it's my fault why.

THIRD PERSON

Ilang segundong katahimikan ang namayani, pagkatapos nito'y malakas na bulungan na tila walang katapusan.

'Paano ba nangyari 'to? Bakit ba nagkaganito? Paano nahantong sa ganito?' Hangos ni Gerard sa kanyang sarili.

"So, shall we start?" Pagbasag niya sa bulungan na naging sanhi para maibalik sa kanya ang atensyon ng mga tao.

"So as I was saying," Dire-diretso siya sa pagsasalita samantalang dire-diretso rin naman sa paglalakad papunta sa bakanteng pwesto ang kapatid niya.

Inunang puntahan ni Cath ang dulong bahagi kung saan may nakita agad siyang bakanteng pwesto.

'Sino nga ba naman kasi sa mga attention seekers na mga yan ang gugustuhing huwag sa may spotlight umupo' Sa isip-isip niya.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon