e l e v e n

54 6 3
                                    

CATHERINE GONZALEZ

"We're here," awtomatiko namang bumukas ang mga mata ko.

"Akala ko tulog ka?" Tanong ni Darryl.

"Half awake. Alam mo namang buhay ang senses ko kapag may nakalagay sa tenga ko," sabay tanggal ko ng earphones ko sa tenga. Inayos ko na ulit ang gamit ko at isinukbit sa katawan ang backpack ko.

"Wala munang lalayo. Hindi ko kayo hahanapin," pagbibiro ni Mr. Estrella na tumatayong instructor namin ngayon. Lumabas na sila Mr. Estrella pati sila Pia. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad na palabas nang mapatigil ako dahil sa nilalang na busy sa pakikipaglandian sa isa pang nilalang na kasama niya.

"Hanggang dito ba naman, Keith?" Naiirita kong tanong sabay sanggi sa kanya para makadaan ako. Badtrip 'yung mga yun, hanggang dito sa camping naglalandian. Tss. Oh well, why would I care anyway? Le'mme flip mah oh-so-gorgeous hair.

"Tulungan na kita," sabay kuha sakin ng ilang mga dala ko ni Poly.

Oh wait, have I introduced her already? Well, she's Poly - Paulene Silvestre. She's one of those girls who happened to enjoy doing musics. And yeah, she's the one and only President of Rhythm and Sounds - the oh-so-choosy kind of a club on Westmead na nahiya sa pula 'kong buhok sa hirap makapasok. Teka nga, why the heck would I care about other's business anyway? I sighed. I had this feeling of getting weirder day by day.

"Hindi ka na naman nakikinig," Rinig 'kong wika mula sa gilid ko. Napatingin tuloy ako - si Darryl na naman pala. Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Tinatanong kita kung saan ba talaga tayo pupunta,"

"Aba, malay ko. After all, this was GD's idea," sabi ko sabay sumunod na kila Pia na naglalakad na.

"So that explains kung bakit may iba tayong kasama,"

~

"Mister, malayo pa ba?" Halata na sa boses ko ang pagod. Kinginang camping 'to, hiking naman ata talaga eh.

"Magkaiba ang definition natin sa mga bagay-bagay, Ms. Gonzalez," at idagdag mo pa ang mga nakakagagong sagot nitong kasama namin. Malapit na mag-isang oras kaming naglalakad dito dahil sa paghahanap ng camping site na sinasabi ni Mr. Estrella at kanina pa paulit-ulit ang sagot niya sa paulit-ulit naming tanong kung malayo pa ba kami. Kingina lang di ba?

"Okay ka lang?" Nakakagagong tanong ni Keith nang halos matumba na si Kristine sa kakalakad - buti nalang nasalo niya agad. Srsly? Nakakagago ang araw na 'to ah.

Kinuha ni Keith ang lahat ng dala ni Kristine at siya ang nagdala nito habang inaalalayan niya pa rin ito. Feeling hulk naman - kaya lahat? Edi siya na. Sus.

"Akin na gamit mo," Sabi ni Darryl mula sa gilid ko.

"Di na. 'Yung kay Pia nalang ang kunin mo, mukhang nahihirapan na siya eh," sabay turo ko kay Sophia na kasabay ni Sir sa paglalakad. Mukhang nagkakamabutihan na ata.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon