f i f t e e n

33 4 4
                                    

DARRYL GARCIA

It's been a week since I lost Cath's most anticipated contest. I really thought she'll be mad and nag me 'til my ears sore, but I'm wrong. Pagkatapos 'kong sabihin sa kanya na natalo ako dahil hindi ko nasagot ng tama 'yung last question, ngumiti lang siya at tsaka siya nagbanta.

'Kapag hindi tayo nakakuha ng trophy the week after next week sa sports week, magtago-tago ka na, Garcia,' Pero imbis na matakot ay napatawa nalang kami sa sinabi niya.

Kaya ngayon, eto ako at hawak-hawak ang pito sa kanan kong kamay habang nakatayo sa arawan at pinapanood maglaro ang mga kasama ko. Akala ko wala na siyang gagawin pang iba at okay lang sa kanya na natalo ako pero may parusa raw ako. Kailangan 'kong i-train ang mga pinili naming estudyante mula sa science section para maging import namin tutal apat lang naman kami - which I found hard to compete with lots of sport activities. Akala ko rin, simpleng sport lang ang mapupunta sakin dahil hindi naman ako mahilig dito pero nagkamali na naman ako. Kaya eto, instant trainor ako ng soccer team na ipanlalaban namin para sa sports week. Nakakainis lang dahil sa lahat ng sport na naalala ni Cath, soccer pa ang nauna o sinadya niya talaga 'to?

Napatingin ako sa relo ko. Mahigit dalawang oras na pala sila sa arawan. Pumito ako kaya nagsilapitan naman sila sakin.

"Alright. Take a break first. After half an hour dapat nandito na ulit kayo," Kitang-kita naman ang saya sa mga mukha nila.

Umalis na sila at naglakad na rin ako papunta sa Invictus - building na naging headquarters namin sa utos na rin ni Gerard. Naglalakad ako papunta sa east wing kung nasaan ang Invictus nang mapansin 'kong wala masyadong estudyanteng pakalat-kalat. I let a smirk for in my lips, 'Mukhang pinaghahandaan din ni Sarmiento'ng mabuti ang sports week'

Nang makarating ako sa Invictus, dumiretso agad ako sa second floor kung nasaan ang separate rooms para sa bawat isang kasali sa grupo namin. Tinungo ko agad ang pinakadulong kwarto sa kaliwa kung saan alam kong natambay sila. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan ding pumasok. Naglakad ako papasok pero nililimitahan ko ang mga tunog na ginagawa ko. Balak ko sana silang gulatin nang ako mismo ang magulat nang makita ko si Cath na nakahiga sa kama at mukhang mahimbing na natutulog. Napangiti ako ng bahagya. Nakakapagod ba talaga ang training ng chess? Isa na nga lang ang tine-train niya tutal siya rin ang sasali sa girl's division eh. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kumot niya. Halos ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang ako sa kanya. Nakaramdam ako ng ngalay kaya umupo muna ako sa couch.

"Parang dati lang, abot-kamay lang kita pero ngayon parang ang taas mo na," Napabuntong-hininga ako pagkatapos ng nasabi ko. I wonder, if I made my move before, will things will be different from now?

"I know you're not insensitive, Cath. I know you know what I'm feeling, or it's just me and my thoughts?" Napangiti ako ng mapakla. Why life is so complicated and hard?

CATHERINE GONZALEZ

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Binuksan ko ang mga mata ko at agad napatingin sa orasan. Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang makitang halos dalawang oras pala akong nakatulog. Kinukusot ko ang mata ko habang nagpalinga-linga sa paligid. Napansin ko agad ang ibang pagkakaayos ng mga unan sa couch na katapat ng maliit na kamang hinigaan ko. Tumayo ako at lumapit sa lamesang nasa pagitan ng couch at ng kama. May kinapa-kapa ako sa plastik na bulaklak na nakapatong dito. Nang may makapa akong maliit at matigas na bagay ay agad kong inangat ang kamay ko. Agad kong pinindot ang stop button sa maliit na camera'ng hawak ko. Pinindot ko ulit ang isang buton at napunta naman ito sa video kung saan kakalagay ko lang nito sa bulaklak. Normal naman ang lahat kaya ifinast forward ko na hanggang sa may nakitq akong nag-iba kaya tinigil ko ang pagpaabilis ng galaw ng video. Ibinalik ko ito sa kung saan may bagong dating sa kwartong tinulugan ko.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon