s e v e n

47 6 5
                                    

GERARD GONZALEZ

Kasalukuyan akong nakain ng umagahan ko nang maalala kong wala pa pala ang kapatid ko.

"Manang, si Cath po?" Tanong ko kay Manang na tagabantay at kasama namin ni Cath mula pagkabata.

"Hindi ko pa nakikitang lumabas, hijo. Baka tulog pa," wika nito. Sinubo ko na ang huling piraso ng kinakain kong sandwich, ininom ang juice ko't pinunasan ang bibig ko gamit ang isang puting towel. Umalis na ako sa harap ng lamesa at napagpasyahang puntahan si Cath, na tulog pa raw hanggang ngayon - which rarely happen na hindi niya ako naunahan. Pinihit ko ang doorknob ng kwarto niya at sa kabutihang palad, 'di ito nakasara. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya habang yakap-yakap ang isang unggoy na stuff toy. Mukhang mahimbing ang tulog niya kaya umupo na lamang muna ako sa gilid ng kama niya.

"Mukhang pagod ka dahil sa kahapon ah. Ano bang pinaggagawa niyo?" Bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya. Pero seryoso, ngayon ko lang kasi ulit 'to magagawa after so many years. I think I must thank Him for bringing her back, for bringing our Cath back.

"Okay na. Tama na ang ilang taong pagpapahirap mo sa sarili mo dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa," then suddenly, I felt guilt all over me.

"Pagod na pagod na akong nakatingin lang at walang magawa tuwing nakikita kong pinagtitripan at pinapahirapan ka nila," Napangiti naman ako ng bahagya.

"Let's forget about the past, 'kay? I want you to start another chapter of your life. I don't want you to suffer anymore. You almost die not enjoying your life, and I don't want that to happen again. I don't want your butler's death be in vain," Napabuntong-hininga ako. Naalala ko si Joey, Cath's butler since we're kids na natagpuang nakayakap sa kapatid ko noong natagpuan ang sasakyan nilang nabangga. He hugged her to lessen the damage to Cath's body. He tried to protect her, but then, he died, he died protecting Cath.

"So, let me turn the table for you," Huli kong sabi saka siya hinalikan sa noo. Lumakad na ako palabas at saglit na tumigil sa may pinto para tingnan siya.

Bumaba na ako at inayos na ang bag ko.

"Manang, wag niyo na pong gisingin si Cath pero wag niyo rin po siyang payagan na hindi pumasok," Bilin ko kay Manang at pumunta na ng garahe. Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko at inihagis sa shotgun seat ang bag ko. Habang nagd-drive papuntang Westmead, biglang may sumagi sa isip ko, 'Hindi pwedeng hindi magka-trauma si Cath lalo na't malaki ang napinsala sa aksidente, pero simula nang magising siya, wala naman siyang kahit anong nababanggit tungkol sa aksidente,' and so I started wondering. Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa campus. Nag-park lang ako ng kotse ko at naglakad na papunta sa office ko. Napakamot ako ng bahagya sa ulo ko. I never thought being the student council president will be this tough. I surely understand now what was Darryl's point back then when I asked him to run for the election.

"Good morning, Mr. President," Bati sakin ng isang estudyante kaya nginitian ko na lamang ito.

"Mr. President slash Mr. Congeniality, let's give Young Master Gerard a round of applause," From his voice and sarcastic remarks, yeah, it's none other than Darryl.

"Early as usual, Mr. good guy," then I gave him a smirk.

Sinabayan niya nalang ako sa paglalakad. "Let me get this straight, GD," He become the serious Darryl this time. Seriously, Darryl is such a moody-kind-of-a-guy.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon