s e v e n t e e n

73 6 14
                                    

CATHERINE GONZALEZ

Samu't saring boses at ingay ang narinig ko kaya't napaayos ako ng upo sa upuan ko. Tinanggal ko ang panyong nakataklob sa mukha ko at bahagyang tinakpan ang mga mata ko. Pagkatapos maka-adjust ng mga mata ko sa liwanag, tinanggal ko na rin ang kamay 'kong nakataklob dito. Napatingin ako sa paligid pagkatapos, halos napuno na ang buong auditorium ng mga estudyante. Kinuha ko ang telepono ko sa bulsa ko at nagsimulang kalikutin ito.

"Ano 'yan?" Rinig 'kong tanong ni Pia kay Darryl na nasa tabi ko lang. Napatingin naman ako sa harap ko kung saan may nagp-play na parang palabas.

THIRD PERSON

Mistulang nasa kotse ang bida dahil kitang-kita ang loob ng isang kotse sa paligid at sa harapan naman nito ay isang kalyeng iniilawan ng mga headlights ng sasakyan. Tahimik lang ang paligid at parang normal naman ang lahat hanggang sa bigla na lamang nailipat ang kanilang pinapanood kung saan ang tahimik na paligid kanina ay napalitan ng nakakabinging sigaw ng isang babae.
"Hello? Hello?!" Waring may kausap ito sa telepono.

Pagkatapos ng sunud-sunod na pagsigaw ay muling nagbago ang senaryo ng palabas na kanilang pinapanood, sa pagkakataong ito ay sa shotgun seat na nakaupo ang babae. Sa likuran nila nakaanggulo ang camera kaya makikita ang luha sa mga mata nito. Umiiyak ito habang may ibinubulong na kung ano.

Tahimik ang buong auditorium, tanging ang ingay lang sa palabas na pinapanood ng bawat isa ang tanging ingay na maririnig. Bawat isa ay mariing nakatutok sa palabas. "They'll die," wala sa sariling naibulong ni Cath na narinig naman ng katabi niyang si Pia. "Agad-agad? Wala pa ngan-" Napatigil si Pia sa pagsasalita dahil sa pagbabago ng pinapalabas na nangyayari. Sa isang iglap, paikot-ikot ang itim na sasakyan sa kalye.

"She'll scream," muling bulong ni Cath. Kahit si Darryl ay narinig ang bulong ni Cath kung kaya't saglit siyang napatingin dito. Maya-maya, katulad nga ng sinabi ni Cath ay sumigaw ng ubod ng lakas ang babae sabay pag-ikot sa ere ng sasakyang lulan nito. Pagkatapos ng nakaririnding pagtili ng babae na nasa loob ng kotse ay biglang nawala ang palabas, tanging itim na screen nalang ang makikita.

Lahat ay naiwang tahimik. May bahagyang napabukas ang bibig, nakatakip sa bibig,at ang iba'y parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ang nangyari. Sa isang iglap,tahimik na ulit. Wala na ang palabas kaya't naiwan ulit na madilim sa paligid.

"Anong movie 'yun, Cath? You seem to know it," wika ni Pia sa kaibigan. Tahimik lang si Cath. Patagal ng patagal ay nararamdaman pa niya ang pagbigat ng dibdib niya, parang nahihirapan din siyang huminga kaya't napahawak siya sa may dibdib niya. Nang hindi na niya makayanan ay kinuha na niya ang gamit niya at tumayo.

"San ka punta? Magsisimula na oh," wika ni Pia pero nilagpasan lang siya ni Cath.

"You okay?" Tanong naman sa kanya ni Darryl nang madaanan niya ito. Hindi niya rin ito sinagot at katulad ni Pia ay nilagpasan lang din.

CATHERINE GONZALEZ

Tahimik lang akong naglalakad papunta sa exit. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko nang mapanood ko kung anong poncio pilato 'yung pinapanood sa'min kanina. It felt real, really. Nang marating ko ang exit ay agad akong nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung pinanood namin kanina. Isama mo pa na parang may sariling utak ang bibig ko na bigla nalang nagsalita. Ano na ako ngayon, some kind of a future teller like that guy told me when GD announced the whole campus my real identity? Napailing nalang ako sa naisip ko. Automatic na nagbukas ang exit door at nagulat ako nang sumalubong sakin ang magkahalong pagkaawa at pag-aalala sa mukha ng kapatid ko.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon