t w o

166 10 17
                                    

KEITH LUSTERIO

Second day of the school, maaga palang ay pumasok na ako. 9:30 pa ang time pero quarter to 8 ay dumating na agad ako.

At sa pagpasok kong ito, doon fully natanggap ng utak ko ang sitwasyon ko ngayon dito. Doon ko lang narealize na magkakaiba pala talaga ang aral dito. May regular section kung saan kabilang ang mga normal na estudyante, science section which includes the brains of the school or the deserving scholars, and lastly, ang special section which includes the Special Section students or the Special A as they call it. The handbook says that the Special A students are the vigorous and the achievers - pinagsamang influence, power, wealth, and also brains. But as for me, I must say na mayaman nga kami pero hindi ako ganun katalino, only the average one. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ako napasali sa S.A (Special A), or maybe, someone pulled some strings? Is that even possible here?

On my way, nakita ko si Kristine na mag-isa. Tumakbo ako ng bahagya para makasabay ko siya sa paglakad, "Hey!" Bungad ko.

"Hey" she responded with a smile.

Patuloy lang ako sa pagsabay sa paglalakad kay Kris nang mapansin kong pinagtitinginan na pala kami.

"Okay ka na ba? I mean, ano na nangyari sayo kahapon? Nahuli ka ba nila?" Tanong nito. Concern ba siya sakin?

"Ah, oo. Okay lang ako, kaso kaninong bahay yung tinuro mo sakin?" Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

"Yun ba? Wag kang mag-alala, kasama yun sa advantages ng pagiging S.A" Advantages?

"You mean?"

"They say that being a S.A student is fun, hindi katulad nung fun kung sa regular ka lang. Marami kasing advantages ang mga S.A students, gaya nalang ng pagkakaroon nila ng minihouse sa loob mismo ng campus na exclusive lang talaga para sa kanila, sa inyo" Paliwanag niya.

"So, you mean na pinanindigan talaga nila ang pagiging special ng Special Section?" Napangiti na lamang siya. "Pero bakit hindi ka nga pala kasali sa S.A?" Tanong ko.

"Don't want to," Tumingin ito sakin at tiningnan ko siya ng tinging hindi kumbinsido.

Napabuntong-hininga na lamang tuloy siya, "Kung titingnan, parang masaya naman talaga mapasali dun, but in my point of view, it isn't. When the time comes, marerealize mo din yun. Tandaan mo, every student that is included there have their own reasons. Para saan pa't kayo ang napasali sa itinuturing na pinakamataas na section dito kung wala kayong rason" Napakunot naman ang noo ko.

"Baka hindi mo pa alam ngayon, pero when the right time comes, you will" at nakita ko na naman ang isa sa mga ngiti niya. Akala ko magiging boring lang din dito kagaya dati, pero sa tingin ko, dahil kay Kris, malamang hindi na.

"Hey, dito nalang ako. May aasikasuhin pa kasi ako. By the way, thanks and I'll see you around?" Sabi nito at umalis na. Habang pinagmamasdan siyang lumakad palayo ay hindi rin naman mawala sa isip ko ang mga sinabi niya, 'Every student that is included in the Special A have their own reasons' Reasons? Then what kind of reason do I have?

Papunta na ako sa aming intellectual arena or simply our classroom nang mapagtripan kong gumamit nalang ng hagdan, not escalator nor elevator. Akala ko walang gumagamit nito pero pagbukas ko palang ng pinto ay sumambulat sakin ang mga estudyanteng base sa uniform nila ay galing sa Science class. Pagkakita palang nila sakin ay parang automatic silang napatungo lahat. Teka, nakatungo ba sila sakin? Pero bakit sakin? Bakit sila nakatungo? Pero teka nga. Bakit ko pa nga ba 'to pinoproblema eh may klase pa ako? To think na nasa 4th floor pa kami.

Pagdating ko sa 4th floor, automatic na nag-iba na ang atmosphere. Walang kahit anong ingay at tanging nakakabinging katahimikan lamang. Wala akong nakikitang sementong pader dito. Instead, tinted glass wall ang bumubuo sa paligid.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon