s i x

45 5 5
                                    

GERARD GONZALEZ

"Gerard" Napangiwi na lamang ako habang naghahallucinate.

"Gerard" Masyado pang maaga para mag-hallucination ako kaya't napailing na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"G-gera-" Wait.

"C-cath," Pakiramdam ko'y tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Tumakbo ako papunta sa kanya at nakitang hirap pa ito sa paghinga't pagsasalita.

"Don't worry. Now that kuya's here, no one will ever hurt you again" Habang hinahaplos ang buhok niya.

"S-sabi k-ko n-na n-nga b-ba e. I-isusuka a-ako s-sa l-langit" Nakuha pa niyang magbiro. She really is my sister.

"W-wait h-here. I'll call the doctor" sabi ko at pansamantalang iniwan siya para tumawag ng doktor.


KEITH LUSTERIO

two weeks after the accident

"Hoy! Lalaking panget!" Tawag sakin ng isang babaeng naka-hospital gown na nakaupo sa hospital bed.

"Maka-panget ka. Walang taong panget no!" Sigaw ko naman sa kanya pabalik.

"Exactly! Walang taong panget, so sinong may sabi sayong tao ka?" Napatawa na lamang ang mga kasama namin dahil sa mga pinagsasasabi nitong babaeng 'to.

Seryoso. Simula nung araw na nagising 'to lagi na niya akong napagtitripan at inaasar. Dahil ba yun sa binulong ko sa kanya nung araw na naaksidente siya?

Maya-maya'y may nagbukas ng pinto kaya't napatingin kami rito. Si GD pala. Naka-uniform pa siya kagaya namin na halatang kakagaling lamang sa Westmead. Ipinatong niya sa lamesa ang mga dala niya at inayos ang mga 'to.

"We'll celebrate Cath's craziness?" Tanong ni Pia nang makita ang dalang cake ni GD.

Napatango naman ako, "Kung sa bagay, lalo siyang naging weirdo - Aray!" Napahawak ako sa ulo ko nang batuhin ako ni Cath ng unan.

"Teka, bat ka nga pala nandito? Close tayo?" Tanong ni Cath.

"Apply cold water to the burned area," rinig kong bulong ni Darryl sabay nagtawanan kami.

Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko, "Edi aalis na," sabi ko at lalabas na sana nang nagsalita si GD.

"C'mon guys! Ngayon lang 'to mangyayari so might as well grab this opportunity," Napatingin tuloy ako kay Darryl at Pia na nakakunot noo lamang din.

Inilabas ni GD ang cake mula sa box nito at ipinatong sa isang lamesa pagkatapos ay may inilagay na kandila dito't sinindihan.

"Kingina, Gerard," Cath cussed.

"Happy birthday, my dear sister," sabi nito at nginitian ng pang-asar ang kapatid. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Pia, kagaya ko'y wala rin silang alam.

"Cath never celebrated her birthday nor told us when," Napailing na lamang si Darryl sa pagitan ng kanyang pagbulong.

"Tara na't kantahan ang maarteng feeling prinsesa," One of GD's sarcastic remarks towards his sister. Inirapan naman siya ni Cath.

Tumayo na si Darryl at Pia. Napahiya naman tuloy ako sa kunwaring pag-alis ko kaya't lumapit nalang din ako sa kanila.

"Happy birthday to you..." at ayun nga, kinantahan na namin siya. May iba't ibang version pa nga e. May english, filipino, pabalang, at di ko na alam ang tawag sa iba eh, pasensya na.

"Funny, GD. Ha ha ha" Sarcasm can be found in her remarks.

Bigla namang may kinalikot si GD sa bulsa niya, "Sayang. Balak ko pa namang ibigay 'to sa celebrant," at ipinakita niya ang isang susing may nakatatak na simbolo ng isang brand ng mamahaling sasakyan.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon