t e n

44 5 3
                                    

CATHERINE GONZALEZ

"His girlfriend, Kristine Sarmiento," walang gana 'kong sabi sa kanila.

'Si Sarmiento!'
'Di ba boyfriend niya si Keith?'
'Bakit halos patayin na niya kanina?'

"K-kris," Shock was all over his face. Kung sa bagay, ikaw ba naman kasi ang halos patayin ng minamahal mong girlfriend.

Habang natulala pa rin ang lahat nang magtanggal kaming apat ng mask, biglang may nag-ring. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung sino iyon. Si Sophia pala.

"Ah sige. Okay. Sasabihin ko" then she hung up. Kaswal siyang tumingin samin. "Cath, GD needs to talk to us, regarding daw sa proposal mo, and including you Kristine,"

"What proposal?" Nagtatakang tanong ni Darryl. Umiling nalang ako at naglakad na palabas. Naglalakad ako sa hallway nang mapansin 'kong pinagtitinginan pala ako. Oh well, sino bang hindi? Eh kabukod-tanging ako lang ang kulay pula ang buhok dito sa buong Westmead. Gerard started it, he set me free kaya ayan, sinusulit ko lang. Hindi ko nalang sila pinansin.

"Wait lang," Naramdaman 'kong may nakahawak sa braso ko kaya napatigil ako.

"Ang bilis mo naman kasing maglakad. Dahan-dahan," Dagdag pa ni Pia na parang hingal na hingal. Di pa naman gaanong malayo 'yung nalakad ko ah?

"By the way, anong pumasok sa utak mo at nagpakulay ka?" Tanong ni Darryl na nakasunod lang pala samin kasama si Keith at 'yung girlfriend niya.

"Wala lang. Wala akong magawa eh," walang gana 'kong sabi sa kanila at pumasok sa isang kwarto.

"Walang maganda bukod sa libreng chocolate sa morning," Pambungad ko.

"A-ano't, - ano na naman ang trip mo't ganyan ang itsura mo?" Gulat na tanong ni GD.

"Naisip ko lang na maganda ang red," sabay hilata sa couch. Umupo naman 'yung iba sa kung saan.

"Ano nga pala 'yung proposal ko? Di pa ba accepted yun?" Tanong ko pa.

"Kaya nga nandito kayo," Sabay may kinuha siyang folder sa drawer na malapit sa kanya.

"Teka, 'di ba muna kayo magpapalit?" Tsaka ko naalalang nakapang-fencing attire pa nga pala kami. Tae, kaya pala parang ang init.

"Nah. Dalian mo na dyan para makapagpalit na kami," sabi ko.

"So, the proposal concerns you all. Katulad ng normal na school, we'll merge all the highschool sections. Regular, science, and the S.A will be on the same room, the sa -"

"Wait, what?! Why would you do that?" Medyo napataas ang tono ng pananalita ng gerlpren nitong si Lusterio ah.

"Why wouldn't we do that?" Balik 'kong tanong.

"That's why you're here Ms. Sarmiento. The science class already decided, kaya kayo nalang," Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at lumapit sa table ni GD.

"If I don't agree, what will happen?" This time, ako naman ang lumapit. "Are you scared I might get all the things that are really mine?" Nagpakawala ako ng isang makahulugang ngiti.

"That aren't yours in the first place, I worked hard for it," Lalo tuloy lumawak ang ngiti ko. Lumapit ako sa may tenga niya at bumulong, "Then I should just steal all of it from you," Inilayo ko ng bahagya ang mukha ko at muling bumulong,

"How's your bestfriend by the way? I miss her already," Tsaka ko inilayo ang mukha ko sa mukha niya dahilan para makita ko ang gulat na gulat at nanlalaking mata'ng mukha niya.

"Y-you," pilit siyang nagsasalita pero walang boses na nalabas sa bibig niya.

"So, I guess Ms. Sarmiento didn't agree, Ms. Gonzalez," Singit ni GD. Napansin niya siguro ang ginawa ko. Epal talaga.

"Then let's have a bet. I bet that's all we've got," Sabi ni Darryl.

"Our schedules will be hectic due to the incoming events. So, I'm thinking, we'll get the gold trophy and the proposal will be valid. If we can't get the trophy, then the proposal can't be approved," Diretso nitong sabi.

"I think that's fair enough. So, who among you disagree?" Tanong ni GD. Walang sumagot, kahit si Kristine na nakatayo kanina ay umupo na kaya bumalik ako sa pinaghigaan ko kanina.

"Anyway, bakit nga pala andito ka na Cath? You told me to give you two weeks pero four days palang nandito ka na agad," Tanong niya habang inaayos ang mga papeles sa lamesa niya.

"I miss you too, brotha'," Tumayo na ako at lumabas. Maya-maya, nakasunod na pala ulit sila sa'kin nang may maalala ako. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila.

"Whether no one likes it or not, tomorrow, we'll be having a camping. 3 days, 2 nights. Para naman kahit papaano magkaroon tayo ng teamwork, Darryl," sabay tingin ko kay Darryl, "Keith," sabay tingin naman kay Keith.

"Makakaangal pa ba kami?" Nakangiting sabi ni Pia. Ngumiti naman ako at inakbayan si Pia. How I missed this muggle.

"Bukas, sa open field, before 7, ipapagiba ko ang bahay niyo kapag Filipino time ang pinairal niyo," Huli 'kong sabi sabay bitaw kay Pia at naglakad na palayo.

*****

"Ano ba?" Sabay kapa ko sa mukha ko dahil may nararamdaman akong gumagapang dito. Teka, gumagapang?! Napamulat ako at,
"AHHHHHHH!" I screamed at the top of my lungs. Ito namang magaling na hayop na kapatid ko, halos mamula na sa kakatawa.

"Fuck you, GD! Fuck you!" Sigaw ko sa kanya. Kung hindi ba naman kasi siraulo 'tong isang 'to. Tama ba namang lagyan ako sa mukha ng fake na gagamba.

"Dalian mo na kasi. Kung hindi pa kita nilagyan ng ganyan sa mukha, hindi ka pa kusang gigising," Lalo tuloy siyang namula dahil sa pagpipigil ng tawa. Bigla ko tuloy naalala kung anong meron ngayon.

"Shit," Napatayo agad ako sa kama ko at tumakbo na sa CR. Binilisan ko na ang pagriritwal ko. Paglabas ko ng banyo, nakahiga na roon ang magaling 'kong kapatid at nandoon na rin ang mga gamit ko. Kahit pala papaano may silbi din 'to.

"I'm going now," Huli kong sabi sa kanya at kinuha na ang bag ko. Tumakbo na ako pababa at papunta sa kotse. Habang nagda-drive, bigla akong nakaramdam ng gutom. Badtrip naman oh! Dire-diretso lang ako sa pagda-drive at hindi na dumiretso sa parking lot, diretso na agad ako sa field kung saan nakita ko ang mini bus na sasakyan namin at sila Darryl na nakatayo sa paligid nito. Itinigil ko ang kotse ko sa gilid ng bus at dali-daling lumabas sa kotse.

"Before 7 at hindi pala Filipino time ha," Pang-aasar ni Darryl nang makapasok ako sa mini bus. Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko, "Oy! Ang kapal ng mukha mo, 6:59 palang!" Angil ko sa kanya sabay upo sa upuan ko. Inayos ko ang mga gamit ko at sumandal nalang sa upuan. Si Pia pala ang nasa pinakaunahan samantalang kasunod naman niya si Poly - ang top student ng science class. Si Keith at Kris naman, ayun, nasa gitnang part at naglalandian na naman.

"Napakaaga naman talaga," Sarkastiko kong wika sapat na para marinig ng lahat sa bus.

"Nainggit ka na naman," sabi ni Darryl na nasa kabilang side ng inuupuan ko.

"Whatevs," sabi ko sabay lagay ng earphones sa tenga ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at humalukipkip,

"This will be a long heck of a journey,"

.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon