f i v e [Cont.]

50 7 5
                                    

GERARD GONZALEZ

"C-cath"

Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok ng operating room. Hahabulin at pipigilan pa sana ako ng mga gwardiya ko ay nakapasok na agad ako at rinig na rinig ko ang tunog ng isang makinang nakakabit sa kapatid ko. Nagpapanic ang mga nurse at doktor na nasa loob ngayon dahil sa tunog na umaalingawngaw.

"We're losing her!" Rinig kong sigaw ng doktor na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.

"Sir, hindi po kayo pwede rito" sabay tulak sa akin palabas ng isang nurse na nakapansin sakin sa kabila ng pagpapanic ng lahat.

"C-cath," naluluhang usal ko habang nakatingin sa kapatid kong nakahiga sa harap ko.

'Wala akong kapatid na nerd'
'Ang panget mo. Hindi kita kapatid'
'Oo na. Kapatid na kita basta ililibre mo 'ko'

"C-catherine," ulit kong tawag sa pangalan niya.

'You fool! Anong oras na? San ka na naman galing?' Napatawa na lamang ako. Pasimpleng nag-aalala ang kapatid ko.

"C-catherine G-grace"

'Kaya mahal kita e' pang-aasar ko sa kanya.
'Kaya ang panget mo e' sagot naman niya.

"Gerard" Nakaramdam ako ng isang kamay na nakapatong sa isa kong balikat. Si Darryl pala.

"Why aren't you doing something? Why call yourself doctors?" Sigaw ni Pia kung kaya't nabalik ako sa kasalukuyan. Napatingin ako sa paligid ko at parang natigilan ang mundo ko nang makitang halos diretsong linya na ang nalabas sa cardiac monitor na nagsisilbing tagatala ng heartbeat ng kapatid ko habang natunog pa rin ang nakakarinding defibrillator, dahilan kung bakit ako napapasok dito.

"N-no, C-cath!" Dali-dali 'kong kinuha ang gloves na nakapatong sa lamesa at sinuot ito. Tinulak ko ang mga nurse at napansin kong pinabayaan na lamang ako ng doktor.

"I won't let her runaway," matigas kong sabi sa kanila. Gamit ang lahat ng nalalaman ko'y pilit 'kong nirerevive ang wala nang buhay na katawan ng kapatid ko.

"Gerard" rinig kong tawag ni Pia sakin sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Marami pa siyang unfinished business, I won't let her go" wika ko.

"50 joules" at itinapat ko ang dalawang aparato sa dibdib ng kapatid ko.

"Clear," tumaas ng bahagya ang katawan ni Cath.

"100"

"Clear"

"Gerard"

"150"

"Clear"

"Gerard, tama na,"

"No, I won't lose her. I won't let this girl win this time" me pertaining to Cath. All these time, all those years. I will definitely make sure I win this time around. Not today, lil sis.

"250" unti-unti nang lumalakas ang boses ko. Hindi, hindi ako mawawalan ng pag-asa. 

"Clear!"

"400 joules!" Sigaw ko sa doktor na nag-ooperate ng makinang kumukonekta sa ginagamit kong aparato. My eyes are getting blurry as my tears start to block my eyes.

"Pero baka hindi kayanin ng katawan niya"

"If you've forgotten, sa buhay ng kapatid ko nakasalalay ang buhay mo, DOC" Idiniin ko talaga ang pagtawag ng 'dok' sa kanya. I'm not usually like this but I'm left with no choice. We're talking about my younger sister's life.

"Now!" Sigaw ko rito.

"Clear!" Ngunit patuloy pa rin sa pagtunog ng matinis na tunog ng defibrillator. Diretso pa rin ang linya rito na nagsasabi ng heart rate ng kapatid ko.

"Her heartbeat is getting to their end!" sabi ng isang nurse.

"No! no!" Sigaw ko nang makita ang nasa monitor na pagbaba ng bilang ng heartbeat niya. Tinanggal ko ang gloves sa kamay ko at itinapat ito sa dibdib ng kapatid ko, sa parteng may puso. Pinagpatong ko ang mga kamay ko at ginawa na ang nararapat kong gawin. Napatingin ako sa monitor at nanlumo nang makitang patuloy parin sa pagbaba ang mga bilang dito.

"Marami pa tayong gagawin. Don't leave me, please," pagmamakaawa ko rito at ginamit na ang natitirang lakas para gawin ang pagrevive sa kanya ng mano-mano.

"No, please don't" patuloy lang sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko habang unti-unting nanghihina at nagdidilim ang paningin.

"Gerard. Tama na," Napatingin ako kay Pia na namumugto na ang mga mata sa kakaiyak. Nakatungo naman si Darryl habang papalapit sa amin si Keith. Tinap niya ang balikat ko ng dalawang beses at ngumiti ng pilit.

Napatigil ako sa ginagawa ko at napaatras. "You did your best, bro," wika nito at ibinaling ang tingin sa walang buhay ng katawan ng kapatid ko. Nginitian niya muna ito bago inilapit ang mukha malapit sa tenga ni Cath. Parang may ibinulong lamang siya rito at umalis na.

"Sir, she's gone," sabi ng doktor at umalis na rin.

"Get out," mahinang wika ko.

"I SAID FUCKIN' GET THE HELL OUT!" Sigaw ko sa kanila kaya pati sila Darryl ay lumabas na rin. Paglabas nilang lahat ay doon na bumuhos ng tuluyan ang mga luha ko.

"I...I...did my b-best" Wika ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Niyakap ko ang kapatid ko ng napakahigpit.

"I guess I really wasn't that great for you. I lose to you again," Sabay halik sa noo niya. Binitawan ko na siya at nagsimulang maglakad palabas.

NOTE:
Defibrillator po yung aparato na sinasabi ni GD. Yun lang XD

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon