t h i r t e e n

33 6 2
                                    

CATHERINE GONZALEZ

"Class, dismissed," sabay labas ng subject teacher namin. Tatayo na sana ako at lalapitan ang katabi ng table ko nang tumayo at lumabas na ang pupuntahan ko. Sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa nangyari. Pero hindi ako magpapatinag kaya kinuha ko na ang bag ko sa may table ko at akmang susundan si Keith nang may maramdaman akong humawak sa braso ko.

"Hayaan mo na siya. It's his fault after all," Sa sinabi niyang 'yun, parang automatic na nag-iba ang mood ko.

"Let go," Malamig 'kong sabi sa kanya. Pero mas diniinan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko, "Can't you see? Lagi kang napapahamak when he's around!" Bulyaw niya sakin na lalong nagpainis sakin.

"Wag mong hintaying magkaroon ako ng rason para iwan ka, Garcia," Malamig 'kong sabi sabay buong lakas na hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Binuksan ko na ang pinto at nagtatakbo sa elevator.

"T-teka!" Pero huli na dahil nagsara na ang elevator. No choice ako kaya walang pag-aalinlangang dumaan ako sa stairs. Dinoble ko ang bilis ko para naman kahit papaano ay maabutan ko siya. Buti nalang talaga at gumaling na ang mga sugat ko sa paa kaya pwede na ulit akong magpakapagod. Pagbukas ko ng pinto, parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Pinipilit 'kong makapagsalita pero walang nalabas na boses, hingal na hingal nga ata talaga ako.

"It's alright. It's not your fault," sabi ni Kristine habang mahigpit na nakayakap kay Keith. Si Keith naman ay nakapatong lang ang ulo sa balikat ni Kristine.

"I love you," Inalis ni Keith ang pagkakayakap at hinalikan sa noo si Kristine.

"Public display of attraction," Bulong ko sabay alis.

"Stupid alien," bulong ko habang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Effort wasted," dagdag ko pa.

"Energy wasted," Itinaas ko ang kamay ko at in-eliminate ang dalawa 'kong daliri - tipong nagbibilang.

"Apology can't tell yet," Sabay baba ng gitna 'kong daliri.

"Concern rejected," Para akong tanga na naman dito na kinakausap ang sarili ko.

"Guilt is still killing the alien," I sighed.

Kung nandito si Poly, ano kayang mangyayari? Siguro by now, pinapangaralan na naman niya ako about me becoming a human. I let out a sigh once again. Napapikit ako and let myself feel the cold breeze.

"Inaantok na 'ko," Bulong ko sabay linga sa paligid ko. Malawak na field, mga puno sa gilid, tahimik na paligid, sariwang hangin. Sa open field pala ako dinala ng mga paa ko. Lumapit ako sa isa sa mga puno at umupo sa lilong nito. Maya-maya'y hindi na ako nakatiis at nahiga na rin ako. Ginamit ko ang bag ko para maging unan. Kinuha ko ang ear plugs ko sa bulsa at isinaksak sa tenga ko katulad ng lagi 'kong ginagawa but this time, walang tugtog. Wala lang, I just felt doing it. Pinikit ko na ang mga mata ko at sinimulan na namang takasan ang mapait na reyalidad.

~
Katulad ng dati, nagising ako dahil may narinig akong pamilyar na musika.

"Moonlight sonata," Bulong ko nang mapakinggan 'kong mabuti ang pamilyar na musika. Awtomatiko akong tumayo at pinagpagan ang damit ko. Kinuha ko na ang bag ko at nagsimulang hanapin ang pinanggagalingan ng musika. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa palakas na ng palakas ang naririnig 'kong musika.

"Rhythm and Sounds," Basa ko sa nakalagay sa gilid ng sliding door sa harapan ko. Naalala ko tuloy ulit si Poly na presidente ng club na 'to. Dahan-dahan 'kong binuksan ang pinto para hindi ako makalikha ng anumang ingay. Nagtagumpay naman ako kaya dali-dali akong pumasok at dahan-dahan pa ring naglakad.

"Kristine," Tangi 'kong nasabi nang makita ang babaeng tumutugtog ng pamilyar na musika. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya't minabuti ko munang umupo sa pinakadulong parte ng row ng mga upuan, kung saan hindi ako masyadong makikita at pinanood siya. Napapikit na lamang ako habang ine-enjoy ang saliw ng musika. Ilang minuto akong nakapikit at nararamdaman 'kong anytime ay makakatulog na naman ako nang biglang tumigil si Kristine sa pagtugtog. Napamulat agad ako ng mga mata ko. May kalayuan man ay kitang-kita ng mga mata ko ang dalawang nilalang na nakaupo sa iisang stool sa harap ng grand piano. Magkaharap sila sa isa't isa. Nasa keys pa ng grand piano ang isang kamay ni Kristine samantalang nasa may pisngi naman niya ang kamay ng lalaking nakatalikod sakin ngayon. Nakita ko kung paano palapit ng palapit ang mga mukha nila sa isa't isa kaya awtomatiko 'kong naitaklob ang mga palad ko sa mga mata ko.

Oo. Alam 'kong walangya akong nilalang pero hindi ko naman kakayanin na makapanood ng ganyan lalo na't live pa.

Ilang minuto ang itinagal ng ginagawa nilang dalawa nang hindi na ako makatiis. Dito pa talaga nila ginawa, hindi na sila nahiya. Napatayo na lamang ako at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan nilang dalawang busy pa rin sa ginagawa nila kaya hindi napansin ang paglapit ko.

"Hindi pa ba kayo tapos dyan?"

DARRYL GARCIA

"What the fvck, Darryl! Just what the fvck!" Naiirita 'kong sabi habang patuloy pa rin ang pagsipa sa pader sa harapan ko. Kanina ko pa 'to sinisipa dahil sa disappointment ko sa sarili ko dahil sa mga nasabi ko. Kanina ko pa rin napapansin na parang konti nalang ay bibigay na rin ang sapatos na suot ko dahil sa lakas ng pagsipa ko.

Maya-maya'y nakaramdam nalang ako ng mga kamay na nakapulupot sa may bewang ko at ang mainit ng paghinga mula sa likod ko, "Tama na," Isang malambing na boses mula sa isang babae. Si Sophia. Akmang sisipain ko pa ulit ang pader sa harap ko nang maramdaman 'kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin, "Galit lang siya, she didn't mean it," Napakakalmado pa rin ng boses niya. Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa beywang ko at humarap sa kanya. Nginitian niya lang ako at hinawakan ang isa 'kong kamay. Pinabayaan ko nalang siyang hilahin ako sa kung saan dahil hindi ko na rin naman alam kung saan ako pupunta ngayon. Sigurado akong hindi gugustuhin ni Cath na makita muna ako kaya hangga't maaari ay hindi muna ako magpapakita sa kanya.

"Choco java chip and choco frappe," Namalayan ko nalang na nakaupo na ako at nasa harap ko siya na nakangiti sa waiter. Umalis na ang waiter pero nanatili pa rin akong nakatingin sa mukha niya.

"Sayo na nanggaling, staring is rude," Sabi niya sabay pakawala ng isang ngiti mula sa kanyang mga labi.

"Here's your order, Ma'am," Isinerve na ng waiter ang inorder ni Pia at umalis na.

"Here's your java chip, Mr. Good guy," Sabi nito sabay abot sakin ng java chip na inorder niya. Sinimulan na niyang inumin ang inorder niya kaya ako na rin.

"Cool down, Mister," Sabi nito sabay tingin sa bintana.

Lumipas ang halos kalahating oras at masasabing okay na ulit ako. Maya't maya kasi ang kwento ni Pia kaya na-divert na rin agad ang atensyon ko. Naubos na rin namin ang inorder niya at kasalukuyan nalang kaming nagpapahinga dahil mukhang ubos na ata ang lahat ng mga kwento niyang dala para sa araw na 'to.

"Wait. Isn't that Cath?" Sabi nito sabay turo sa bintana. Napatingin naman agad ako sa kung saan ang tinuturo niya at kinompirmang si Cath nga 'to.

"Tara, sundan natin!" Sabay hila na naman sakin.

Hawak-hawak ni Pia ang kamay ko habang naglalakad ng mapatigil siya kaya napatigil rin ako. May lalaking pumasok sa building na pinasukan ni Cath pero sa mismong main door ito dumaan. Napatakbo tuloy si Pia kaya napatakbo na rin ako.

"Rhythm and Sounds," sabi niya.

"Are we her stalkers now?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya pinansin at lumapit nalang sa main door ng building na pinasukan kanina ni Cath. Binitawan niya ang kamay ko at dahan-dahang binuksan ang pinto. Agad naman siyang napatalikod nang makita kung anong mayroon sa loob kaya napatingin ako. Mula sa gilid ay kita 'kong nakataklob si Cath ng mga mata niya habang nakaupo. Maya-maya'y tumayo na siya mula sa kinauupuan at dahan-dahang nagtungo malapit sa dalawang estudyanteng walang alinlangang naghahalikan sa loob habang nakaupo sa harap ng grand piano.

"T-that's..." Kita 'kong nanlaki ang mga mata si Pia nang makita kung sino ang dalawang estudyanteng may ginagawang kalokohan kanina. Napatingin din naman tuloy agad ako at napaatras dahil sa hindi inaasahang makita.

"Keith Lusterio, you really are a certified idiot,"

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon