RL@WT 32

21 0 0
                                    

hiii! hello! hola! may nagbabasa pa po ba nito? paramdam naman po kayo..gusto ko malaman kung nagugustuhan niyo ba o hindi ang mga pinag gagagawa ko. gusto ko mabasa mga reactions niyo sa story. :)

pasensya na ha kung mabagal ang mga updates ko. but I'm doing my best din naman. pero alam niyo ba, mas makakatulong kung may nag-momotivate sakin..kung may nababasa po akong comments.

malay natin, mapadalas ang update ko diba ? hehe.. yun lang.

enjoy reading! lablab ko kayo! <3

—————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————

CHAPTER 32


[Ashley's POV]

"sure ka best okay ka na dito?" tanong ni Denise sakin.


"oo naman best. sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa." pinipilit ko siyang pumasok sa klase niya ngayong hapon. ayoko naman na pati siya umabsent nang dahil sakin.


"oh sige aalis na ko. after class uuwi din ako kaagad. bye best!" at ayun lumabas na siya ng bahay. ako naman ay dumiretso sa kusina para kumain. naghahalungkat ako sa ref ng pwede kong lutuin nang marinig kong bumukas ulit ang front door.


"oh best ba't bumalik ka? may nakalimutan ka nanaman noh?" sabi ko nang hindi lumilingon.. parang ulyanin kasi ang loka-lokang yan eh.


but I frozed when I felt someone hug me from the back. O_O !!? "a-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Bryle. yeah you read that right. alam kong siya yun kahit hindi ako lumingon.


"I missed you so much." he said. miss na miss na din kita Bryle. sobra.. but don't say that! baka yakapin lang din kita. makalimutan ko pa ang kasalanan mo.


"B-bryle please... let me go. umalis ka na." pinipilit kong kumawala sa yakap niya pero lalo niya lang hinigpitan ang yakap sakin. kaya naman napaiyak nanaman ako.


"mag-usap tayo je t'aime, please." his voice broke. umiiyak na din yata siya. hinarap niya ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ang namamaga niyang mga mata. mas mugto pa sa mata ko. visible na din ang stubble. by the looks of him, kagagaling niya lang sa sobrang pag-iyak and he seems so lost at walang time ayusin ang itsura niya. buti pa ko, anjan si Denise para alagaan ako.


pumayag akong mag-usap kami. para na rin masagot na ang mga tanong ko. masisiraan na ko ng bait kakaisip eh. umupo siya sa mahabang sofa at sumenyas na umupo ako sa tabi niya pero nilagpasan ko siya at doon umupo sa pag-isahang sofa.


I crossed my arms, handa nang makinig sa kanya pero hindi pa handang makipag lambingan. I heard him sigh at nagsalita na.


"it was dad who wants us to get married but I never agreed on that marriage. pagkaalis niyo ng hotel, nag-usap kami ni Thalia at wala din siyang alam na ako pala ang fiance niya." I raised an eyebrow on him. pinipilit magtaray dahil kinakabahan na ko kasi parang naniniwala na ko sa kanya.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon