RL@WT 8

59 2 0
                                    

CHAPTER 8


[Benjie's POV]

kanino kaya galing yun? at bakit initials ko ang ginamit? nilingon ko ulit si Ashley. nakita ko si siya na naglalakad mag-isa palabas ng campus. siguro nga trip lang ni denise ang sulat, diretso lang kasi ang lakad niya at wala namang sumalubong sa kanya sa lobby. 


tumakbo ako para habulin siya, aayain ko siyang maglunch. mamaya nalang ako pupunta sa library. makakapag hintay naman yun. pero itong chance ko minsan lang.
tatawagin ko na sana siya kaya lang may lalaking sumigaw ng "crush!"


tumigil si ashley sa paglalakad. siya ba yung tinatawag? tumigil din ako sa pagtakbo nang humarap siya dun sa lalaki. nag-uusap yata sila eh. hindi ko nga lang makita si ashley kasi natatakpan siya ng lalaki mula dito.


mayamaya pa ay umakbay ito sa kanya at umalis na sila. medyo kumirot ang puso ko sa nakita ko. ang daming katanungan ang nabuo sa isip ko.


sino ang lalaking yun? bakit hindi pumalag si ashley nang akbayan siya? matagal na ba silang magkakilala? sa kanya ba galing ang sulat? kilala niya ba ako? at higit sa lahat, bakit initials ko ang ginamit niya? bakit siya nagpakilala bilang ako? o coincidence lang?


wala na kong nagawa kundi ituloy ang planong pagpunta sa library.


pagkatapos kong mag lunch, agad akong bumalik sa school dahil duty ko sa booth namin. naalala ko sina Ashley at Denise pala ang naka-assign sa log-in. gusto ko siyang kausapin.


pagdating ko dun, si Denise at ang boyfriend niya lang ang nandun. hinanap ko si Ashley sa kanya.


"oh hi Benj! hindi ko alam eh. baka naglunch pa. bakit?" Denise


"w-wala naman. natanong ko lang...sige una na ko." at pumunta na ko sa booth namin. nandun na din ang barkada kong sina Paolo at Vincent.


handcuff ang booth namin. ilang oras na ang nakalipas pero madami paring dumadayo dito sa booth. may magkakaklaseng nagbayad para iposas ang isa nilang kaibigan sa crush nito. 
panay ang sigaw nung babae na ayaw daw niya habang tawa ng tawa pero hindi naman nagpumiglas nang sinuot ko na ang posas sa kanya. nag blush pa siya at natulala sa lalaki.


girls.


"papa Benj magre-rent kami ng isang posas para sa isang oras." malambing na sabi ni JC, kabatchmate kong bading. nag abot siya ng bente sakin. tinanggap ko yun at kumuha ng posas.


"sino ang makakasama  mo?" tanong ko


"ikaw sana kung pwede." sagot niya at natawa nalang ako.


"hindi ako pwede eh. busy kami dito sa booth at kulang kami sa tao." tumawa din si JC sa sagot ko sa kanya.


"charot lang! ano ka ba?"


"nako! wala dito yung biktima Benj. nandun sa vikings. balak sana naming kami ang humuli kay Evan." sagot naman ng kasama niyang bakla din at nag apir sila ng kasama nilang babae.


"okay.. akin na ang ID at magfill up kayo dito. isang oras ang binayad niyo. may penalty kapag na-late kayo magbalik ng posas o kaya kapag nawala. pero mag-iingat kayo sa plano niyong yan ha. baka masapak ka nun pag nainis sayo. wag niyo masyadong pipikunin." paalala ko sa kanya. tumango siya at naghahagikgikan silang umalis ng booth namin.


sana lang talaga sport yung Evan na yun at hindi niya suntukin si JC. it's just for fun after all. pero hindi naman natin maiitatanggi na may mga tao parin sa mundong ito na hindi tanggap ang mga katulad nina JC. 


"Benj, magkano?" tanong ni Denise. hila-hila ang ang nobyo niya.


"P20 isang oras. papaposas kayo?" sabi ko at tumalikod para kumuha ng isang posas. 


"oh ito P60 para sa 3 oras. pero hindi kami ni bebe ang lalagyan ng posas. may iba kaming biktima. hihi!" hagikgik ni Denise


"ahh sige turo mo nalang kina Paolo, sila na bahala. magaling manghuli yan." kinuha ko ang ID ni Denise at pinag fill up siya ng form.


"Pao! handcuff daw. samahan niyo sina Denise" hinagis ko ang hawak kong posas at umalis na sila.


natigilan ako nung makita ko sa di kalayuan kung sino ang biktima nila.


si Ashley.....at yung lalaki kanina. ba't hindi ko naisip yun? tsk! 


nakita kong tumakbo si Ashley pero nahabol siya ni Paolo. ibig sabihin tatlong oras silang magkasama? nakaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib. dapat pala ako nalang ang humabol kay Ashley, at sisiguraduhin kong makakatakas siya para hindi maposasan.


nawalan na agad ako ng gana sa pag aassist sa customers namin dito sa booth. tanging si Ashley nalang ang naiisip ko. nasan na kaya sila at ano ang ginagawa? kainis naman! 3 oras? eh mag-uuwian na!


kinabukasan. maaga akong gumising para pumunta sa school. kailangan kong makausap si Ashley ngayon. balak ko kasi yayain siya manuod ng battle of the bands bukas at maging date ko sa acquaintance.


"si Ashley?" tanong ko ulit kay Denise.


"nasa garden. may ka--" hindi ko na siya pinatapos . magandang lugar yun para yayain siya.


kabisadong kabisado ko na ang sasabihin ko sa kanya. sana pumayag siya. friendly date lang naman. ayokong mailang ulit siya sakin kaya hindi ko ipipilit ang gusto kong ligawan siya. of course I respect her parent's decision.


kung saka-sakaling pwede ko na siyang ligawan ay gusto kong open ang relasyon namin sa pamilya niya.


pagdating ko sa garden, nakita ko kaagad siya pero kumunot ang noo ko sa nakita ko.


magkasama nanaman sila nung lalaki kahapon?


... ... ..at magkayakap.



F*ck! ang sakit. akala ko ba bawal pa siya magkanobyo at tumanggap ng manliligaw?


o ayaw niya lang talaga sakin at hindi niya alam pano sabihin sakin ang totoo? 

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon