RL@WT 4

80 1 0
                                    

CHAPTER 4


[Ashley's POV]

"Ashley" napatigil kaming tatlo, humarap ako sa tumawag sakin.

siya?

"i-ikaw si BF?" tanong ko. ngumiti siya. Ang cute niya naman!


"yup. Benj Fuentes." Extend niya ng kamay para makipag shake hands. Inabot ko rin ang kamay ko at nahihiyang ngumiti.


"para sayo nga pala." Bigay nya ng bulaklak sakin. Tinanggap ko yun at nag thank you.


"ehem! Best mauuna na kami." Nagbeso si Denise sakin at bumulong.


"ang gwapo niya girl. balitaan mo ako bukas." Ngumiti siya at naglakad na sila paalis.


"gusto mong mag meryenda Ashley?" naiilang ako. nahihiya ako. di ako sanay sa ganit pero pumayag din naman ako. Gutom na rin kasi ako eh at tsaka nastress ako sa exam kaya kailangan kong kumain.


libre niya kaya? o KKB? nahihiya akong magtanong. di bale, may pera pa naman ako dito. yung kaya ko lang bayaran ang kakainin ko.


Habang naglalakad kami, inaamoy-amoy ko yung pink rose na bigay niya. Favorite ko to eh. Natawa ako ng konti dahil naalala ko ang lakad niya kanina pero nahalata niya at nagtataka niya akong tinignan.


"bakit?" Siguro iniisip nito na baliw ako kasi tumatawa ako mag-isa.


"ahh wala. ano... uh anong year ka na?" tanong ko sa kanya habang papalabas kami ng campus. at inaamoy parin ang bulaklak na bigay niya.


"3rd year na ko. actually last year lang ako nagtransfer dito. at last year din kita unang naging crush." napakamot siya sa ulo niya at bahagyang namula sa pag-amin sa akin.


naramdaman kong uminit din ang pisngi ko at kumalabog ang puso ko. ewan ko kung nahihiya ba ako o naf-flutter.


"ahhh..." alanganin kong sagot at bahagyang ngumiti. nahihiya ako! isang taon niya na akong crush? Talaga ngang nag-ipon siya ng maraming lakas ng loob. Haha.


kaso din, edi isang taon niya na din akong pinagmamasdan? nakikita niya kaya yung mga kahihiyan ko noon?! nung nahulog ako last year sa hagdan sa labas ng canteen nakita niya kaya yun? eh nung nadulas kaya ako sa stage habang nagpe-perform para sa finals namin sa P.E.? tsaka yung time na nauntog ako sa flag pole dahil nakatingin ako sa crush kong nakasalubong ko? shuxx! nakakahiyaaaaa!


nag-init lalo ang mukha ko! ayoko na! gusto ko nang magpalamon sa lupa!


dinala niya ako sa cafe malapit sa school at nilibre ako ng halo-halo at cheesecake. shet! date ba ito?!


"thank you." sabay naming sabi nang sinerve na ang order namin.


tahimik lang ako habang hinahalo ang mga sahog ng halo-halo ko. tahimik lang din siya pero ramdam kong nakatingin siya sakin. naiilang ako at feeling ko kailangan ko magsalita pero ano naman ang sasabihin ko?

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon