RL@WT 21

71 1 0
                                    

CHAPTER 21


[Ashley's POV]

Sunday. umuwi na si Bryle galing New York! siyempre susundoin namin siya at magbo-bonding lang saglit. double date dinner, ganun.


tumakbo ako para salubungin siya ng yakap. gosh! namiss ko siya! natawa naman siya sa inasta ko at niyakap din ako ng mahigpit. bahagya niya pa akong naiangat sa ere.


"God! I miss you so much je t'aime!" he whispered at my ear at hinalik halikan ako sa ulo. nakalubog parin sa dibdib niya ang mukha ko. namumula na kasi ako sa kilig!


"nagugutom na ko. tara na!" sigaw ni best sa likod ko. kinuha ni Ken ang isang maleta ni Bryle at naglakad na kami papuntang parking lot.


"bakit ang dami mong dala? parang nung umalis ka, backpack lang dala mo ah." tanong ko sa kanya. inakbayan niya ko at nilapit pa lalo sa kanya.


"siyempre. pasalubong ko sayo yung laman nun." nginuso niya yung maletang dala ni Ken.


"eh yan?" turo ko sa isa pang hila-hila niya.


"pasalubong din. para sa iba."


"so--...y-yun..." turo ko sa dala ni Ken. "a-akin yun? para sakin lang?"


hindi siya sumagot. ngumisi lang siya at hinalikan ako sa noo.



pagkatapos namin kumain ng hapunan ay hinatid na namin si Bryle sa condo niya para makapag pahinga na siya dahil alam naming pagod siya sa biyahe at may pasok pa kami bukas.


iniwan niya din yung maletang para sakin daw ang laman. tanging ang backpack at isa pang maleta niya lang ang dala niya.


pagkahatid samin ni Ken sa apartment ay pinag tulungan namin ni Denise ang maleta. true enough. para sakin nga talaga lahat ng laman ng maletang iniwan niya sakin. jusko! ang daming laman!


may mga damit, perfume, lotion, body wash, at iba pang mga necessities. at napakaraming CHOCOLATES!!!


"ang gara naman ng boyfriend mo best! ang OA magpasalubong. kulang nalang balik-bayan box na ang ibigay sayo. hahaha!" kinuha niya ang iilang chololates at isang bote ng body wash.


"akin nalang 'to best ah. ubos na kasi yung sakin eh. hahha! wag ka nalang maingay kay Bryle." kinindatan niya ako at tumayo para lumabas na ng kwarto ko.


"baliw ka talaga! okay lang no! dagdagan mo pa yan ang dami pa neto best" sabi ko


"nah! I'm fine with these best. good night!" kinaway niya ang kamay na may hawak na body wash nang hindi lumilingon sakin at saka nagpatuloy sa paglabas.


dumampot ako ng chocolates at nilagay sa maliit na paper bag. sinarado ko ang maleta at tinabi muna sa gilid. saka ko na yan aayusin.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon