RL@WT 22

72 1 0
                                    

CHAPTER 22


[Ashley's POV]

the next day, maaga akong sinundo ni Bryle sa apartment kasi parehas 7:30 ang class namin.


"good morning je t'aime." bati sakin ng boyfriend KO. naks! infairness medyo nasasanay na ko sa love life thingy na 'to ah


"Hi! nag breakfast ka na ba? tara, maaga pa naman eh." nilend ko ang kamay ko sa kanya at pumunta kami sa kitchen ng magka Holding Hands. hihi LANDE!


pinag handa ko siya ng paborito kong Nutella Sandwich habang nagpresinta naman siyang magtimpla ng orange juice. nilabas ko din sa ref ang binili ni best na mga strawberries. 


ang sarap naman ng ganito. para kaming nagbabahay bahayan. haha! uminit ang pisngi ko at kinilig sa sariling naiisip. di ko mapigilang mapangisi.


kumuha ako ng strawberry at nilagyan ko ng Nutella bago kinagatan. napatigil ako sa pag nguya nang napansin ko si Bryle na titig na titig nanaman sakin. ano ba 'to? poreber niya nalang bang gagawin ang paninitig sakin habang kumakain?!


"what?" takang tanong ko at nginuya ang pagkain.


tumingin siya sa hawak kong strawberry tapos sakin ulit. nangunot ang noo niya. "what?" tanong ko ulit.


di niya ako sinagot. pinabalik balik niya lang ulit ang tingin niya samin ng hawak kong strawberry. nailang ako kaya lalong uminit ang pisngi ko.


ano ba gusto neto? di pa ba siya nakakatry ng strawberry na may chocolate? ang common na kaya ng combination na 'to. anyway, nilagyan ko nalang ulit ng nutella ang strawberry at tinapat sa bunganga niya para isubo. "tikman mo. masarap."


hinawakan niya ang kamay ko at tinapat ito sa pisngi ko. kinunutan ko naman siya ng noo at lalo kong nilukot ang mukha ko nang bigla siyang ngumisi.


"anong iniisip mo je t'aime?" tanong niya


"ha? baka ikaw may iniisip? mukha ka kayang ewan." inirapan ko siya. giniya niya ulit ang kamay ko sa bibig niya at kinain ang hawak kong strawberry. di parin nawawala ang ngisi.


"kasing pula mo kasi kanina yung strawberry tapos bigla bigla ka nalang ngumingiti mag-isa. come on je t'aime, tell me your thoughts." sabi niya at mas nilapit ang mukha sakin. tinulak ko siya ng konti. ayan nanaman ang mata niyang nanghihigop ng kaluluwa!


"w-wala naman akong iniisip!" nag-iwas ako ng tingin. ayoko ngang sabihin sayo kung ano yung inisip ko kanina! nakakahiya kaya.


"meron eh." lumapit pa siya lalo.


"wala nga! ano ba!" tinulak ko siya pero walang nangyari.


"bakit ka biglang kinilig?" sinalpakan ko ng sandwich ang bunganga niya kaya natawa nalang siya at umupo para ipagpatuloy ang pag kain. di niya na ulit ako ginulo dahil hindi niya ako mapapaamin.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon