RL@WT 30

52 0 0
                                    

dedicated to AiaAoo...ginawan niya ng cover yung RL@WT.. ^_^

enjoy reading!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 30


[Ashley's POV]

sembreak.

dumaan ang Halloween at ang birthday ko, actually debut ko yun. konting salu-salo lang naman sa bahay kasama si best, ang parents niya, at tsaka si Bryle syempre. hindi na naimbitahan ang barakada kasi nga konting salu-salo lang yun. simple dinner kumbaga. 


ayoko din kasi gumastos pa sina papa ng bongga sa debut ko, sayang pera. pero nagulat ako dahil may surprise ang mga kaibigan ko sakin the next day. hindi ko naman din in-expect yun kasi sabi busy sila.


"HAPPY BIRTHDAY ASHLEY!! WHOOOO !!!" naalimpungatan ako sa ingay ng mga bunganga ng mga kaibigan ko. kumpleto silang lahat na sinugod ako dito sa kwarto. may mga party hats sila at may hawak na balloons tapos si Bryle may hawak na chocolate cake.


napabangon ako sa kama nang umupo si Bryle sa tabi ko.


"wow thank you! naku hindi pa ko nakakapag ayos, panis pa ang laway ko. anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?" sabi ko pagkatapos hinipan na ang candles. inilapag naman yun ni Bryle sa side table.


"surprise." nakangiting sabi ni Bryle at niyakap ako.


"may mga gifts kami sayo best! ito yung galing samin ni bebe Ken oh! buksan mo na dali!!" inabot niya sakin ang box. "dress yan best. color pink! hehehe..." hindi niya napigilang sabihin kaya natawa nalang kami.


"hindi ka na sana nag-abalang ibalot pa 'to. hindi ko pa nabubuksan sinabi mo na sakin ang laman eh. hahaha." pink dress nga! ang cute naman. above the knee ang haba nun, puno ng rose designs, hanggang siko lang yung sleeve pero may parang ruffles na manipis kaya nagmukhang long sleeves. tapos meron ding belt sa bewang para ma-emphasize ang kurba ng bewang.


"yan ang isusuot mo mamaya pag punta natin sa gift namin ni Stella." proud na sabi naman ni Andrei


"pero hindi ka makakapunta dun nang hindi mo suot ito girl." inabot sakin ni Steph ang itim na paper bag. "yan naman ang gift namin sayo ni Thalia." binuksan ko yun at nakita ko ang cute na cute na sandals. black wedge gladiator sandals with silver designs na mukhang butterfly wings ang pattern.


"wow naman! thank yooouu!!" sabi ko habang yakap-yakap ang mga regalo nila sakin. excited na akong isuot yun!


"oh siya maligo ka na best. dun lang kami sa baba ha. hintayin ka namin." Denise.


bumaba naman na sila dala yung chocolate cake. ako naman ay agad bumangon at nagprepare na ng sarili ko. pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na agad ang dress at sandals na regalo nila sakin. binlower ko ang buhok ko at gumawa ng magandang braid na babagay sa suot ko. nilagay ko sa maliit na sling bag ang cellphone ko, wallet na may lamang tumataginting na P500. haha.. bigay ni mama kagabi. nagdala din ako ng pulbo at lip tint. nang masiguro kong okay na ay saka ako bumaba.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon