RL@WT 19

73 1 0
                                    

CHAPTER 19

[Ashley's POV]

pagkauwi namin ng manila, back to normal na din kami ni Bryle. pero iba na. pasikreto niya akong pinapadalhan ng gifts like chocolates and flowers tapos nagkikita naman kami kapag may pagkakataon. yung kikidnapin ako ni Denise sa bahay tapos gagala kaming apat.


kinareer niya ang boyfriend duties!


kaso nagi-guilty naman ako kay Benj. buong bakasyon namin sa boracay ay dinedma ko lahat ng mga texts niya sakin. kahit papano, medyo thankful akong nakagraduate na kami at maliit nalang ang chance na magkita kami. hindi ko na talaga siya kayang harapin!


kaso..... parang ang sama sama kong tao. he's been nothing but good to me. he stayed. he waited..... and still waiting. he never gave up, never backed down with all of his efforts and patience. tapos sa huli ay sinagot ko ang taong ilang buwang hindi nagparamdam at isang linggo ko lang nakasama.


paano ko ba siya haharapin? pano ko sasabihin sa kanyang may boyfriend na ko kaya dapat na siyang tumigil sa panliligaw?
sumasakit ang puso ko habang naiisip ang disappointment sa mukha niya.


kinain ko ng buong buo ang mga salita ko. hindi ko siya binigyan ng chance dahil sa rason kong "bawal pa" tapos ito ang ibubungad ko sa kanya?

 



ngayon, tatlong araw na akong nganga dito sa bahay. ni lumabas ng kwarto nga tinatamad ako. namimis ko si Bryle pero alam kong hindi kami pwedeng magkita ngayon kasi umalis siya.

diba nga dapat after graduation siya pupuntang New York? pero dahil sumama siya sa boracay kaya na-postponed at nung nakaraang araw lang siya umalis.



>>>>>Flashback 3 days ago<<<<<

maagang nabulabog ang tulog ko nang marining ko ang boses ni best na kinakausap si mama.


"good morning po tita! pwede ko po bang nakawin muna si best? bored po kasi ako eh. gusto ko po sanang gumala kami." masiglang paalam ni Denise kay mama.


hindi ko alam kung anong sinagot ni mama. hindi naman kasi pasigaw magsalita si mama di tulad ng kausap niyang kaya makipag chikahan sa kabilang bundok ng walang kahirap hirap.


"sure tita! thanks! ingat po. bye!!" pagkasara ng pinto ng bahay, rinig ko ang mga yabag ni best papunta sa kwarto ko at pumasok ng hindi manlang kumakatok.


kanina pa ko gising dahil sa bunganga niya pero hindi pa ako bumabangon dahil hindi ko pa kayang imulat ang mata ko sa antok. nagtulog-tulugan ako.


"hoy best! bangon na jan at aalis tayo." kinuha niya ang yakap kong unan at hinampas sa mukha ko. kaya naman bigla akong napabangon ng nakabusangot ang mukha.


kaasar!! pwede naman manggising ng maayos. bakit kailangan niya maging brutal?


"ano ba best?! walanjo ka naman oh! ano ba kelangan mo?!" sigaw ko habang nakapikit parin. antok pa Ashley eh. ( ̄. ̄)


Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon