RL@WT 5

72 1 0
                                    

CHAPTER 5


>>>>>Flashback<<<<<

[??? POV]

Pagdating ko sa bahay ni Adam, yung celebrant, marami nang bisita sa loob at labas pero hindi naman nagloaded dahil malaki naman ang mansyon nila.


Sa gate, may napansin akong dalawang babae. Hindi pamilyar ang mga mukha nila. Kaninong date kaya ang dalawang 'to? At terno pa sila ng damit. Haha! Pero ang umagaw talaga sa atensyon ko ay yung mas mababang babae, hindi kasi siya naka-heels. Ang ganda niya. Simple lang kasi siya, wala masyadong arte sa katawan.


"best, sigurado ka bang bahay lang 'to? parang hotel yata eh." Paghanga nila sa bahay ni Adam


"nasan na nga pala si Ken? Papuntahin mo na nga dito." Kilala nila si Ken? Lokong yun! Dalawa pa ang chicks niya, hindi manlang magshare – kahit yung babaeng type ko nalang yung akin – haha.


Nagsasaya na ang lahat at nakatingin lang ako sa kanya sa di kalayuan. Ano kayang pangalan niya?


Nalaman kong girlfriend ni Ken yung isang babae, ibig sabihin posibleng may pag-asa ako dun sa magandang chika babes na type ko. Aba! Wala pa yatang nakakaresist sa kagwapuhan ko. 


"oh pare! having fun?" nakangising tanong ni Adam. putek! Tatlo ang chicks!! Pero sige, pagbigyan nalang dahil birthday naman niya.


"yeah. I'm having a great time." Lumingon ako ulit sa direksyon nila Ken, pero wala na dun yung babae. Saan kaya pumunta yun? 


"ahh sige bro, happy birthday again." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at iniwan ko na sila dun ng mga babae niya.


Saan kaya siya pumunta? 


Sunday. Naglalakad ako sa mall, kasama ang sarili ko. Hahaha! ako lang naman kasi mag-isa. Nakita ko si ken...


........sa boutique?


"Ken pare!" lumingon siya at nag-apir kami nang makalapit na ko.


"oh! Musta? Di kita nakita sa birthday ni Adam ah. Pumunta ka ba?" Ken


"pumunta ako. pano mo naman ako makikita dun eh naglalandian kayo ng syota mo? hahahha! Teka nga, anong ginagawa mo dito? Don't tell me bumibigay ka na? HAHAHA." Asar ko sa kanya. Tapos binatukan niya ko. Aba! Syempre binatukan ko din siya. Kala niya ha!


"ulol! Kasama ko girlfriend ko. Nandun sa fitting room." Wow. Sumama siya sa syota niya mag-shopping? Lupet!!


"ahh ganun ba? Balik tayo sa party, sino pala yung isa pang chika babes sa kasama niyo?" hindi naman siguro halatang interesado talaga ako no?


"ahh si Ashley? Bestfriend ng girlfriend ko. Bakit? type mo no?" di ako sumagot...ngumiti lang ako. So Ashley pala name niya? Nice.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon