RL@WT 2

109 2 0
                                    

CHAPTER 2


[Ashley's POV]

 "anak, nanjan na si Denise sa baba hinihintay ka! Bilisan mo na jan!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.


"opo ma! Bababa na po ako!!" sigaw ko din..haha


Teka, nasan na ba yung purse ko? Naku natataranta na ko. san ko nga ba nalagay yun ? hmm ah alam ko na! sa kama. ( -___- ) kung ahas lang to, kanina pa ako natuklaw sa katangahan ko.


Bumaba na ko. Gaya nga ng sinabi ni best, suot ko ang yellow dress na regalo niya. fit sa dibdib hanggang besang tapos flowy na hanggang baba ng tuhod ko, then tinernohan ko lang ng black and gold lace up gladiator sandals. ayoko mag-heels, papahirapan ko lang ang sarili ko.


tinirintas ko lang din ang buhok ko sa magkabilang gilid at pinag dikit ng san rio. ang natirang buhok ay hinayaan ko nalang na nakalugay.


"tara na best. Waaaah!! \( *o* )/ ang ganda natin!" nagtatatalon siya sa may pinto nang makita ako.


 kaya pala pinag suot ako ng yellow dress dahil yellow din ang suot niya. Hindi naman siguro kami mukhang sasayaw nito ano? ( __ __ ' ) *sigh*


Pero ang ganda ni best...talagang pinag handaan niya. Bonggang make-up, with matching kulot pa. samantalang ako pulbo at konting lip tint lang. Nagpaalam na kami kina mama at papa then lumabas na kami ng bahay.


"bilisan mo best...excited na ko!! Ano kayang itsura ni bebe Ken ko?" hila niya sakin papasok ng kotse.


"siguro best mukhang tao." Sagot ko sa kanya na may halong sarcasm ng very very slight lang naman. Pero natawa naman siya at hinampas ako sa braso.


Aray ( TT_TT ) 

kapag natawa ba kailangan maging bayolente?


"sinama mo lang naman ako para may kasama kang pumunta dun eh. Iiwanan mo din ako pag kasama mo na ang Ken mo." Dagdag ko pa..kunwari nagtatampo ako sa kanya.


"ano ka ba best? Syempre hindi kita papabayaan. Labs na labs kaya kita." Denise


nakaidlip ako sa biyahe. medyo pagod ako sa school kanina dahil sa reporting namin sa History.


ginising nalang ako ni best nang malapit na kami sa venue. pagdilat ko, nakikita ko siyang nagreretouch ng make up niya. tinapik ko ng mahina ang kama niya.


"uy ano ka ba? tama na nga yang kakadutdot mo ng face powder sa ilong mo! mamaya mapagkamalan ka pang ikaw ang may birthday." natatawa kong saway sa kanya. agad niya din namang tinago ang compact niya.


"eh kasi naman best baka hindi magandahan sakin si Ken. siguradong maraming mas magagandang girls jan sa loob." she pouted at me.


"maganda ka best. with or without make up. wala yang ibang babae na yan. at kapag yang Ken mo, tumingin sa iba, ako mismo ang dudukot sa mata niya." natawa naman siya sa sinabi ko.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon