RL@WT 6

76 1 0
                                    

CHAPTER 6


[Ashley's POV]

*beep*


FROM: Ken

"hi crush :)"


hi crush

hi crush

hi crush


ano ba yan! lumakas lalo ang tibok ng puso ko. (>___<)
hindi ko maintindihan ang klase ng kabang nararamdaman ko.
hirap na hirap ako huminga. pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko. jusmio!


text lang yan Ashley. huminahon ka!


TO: "wow! crush talaga? hehe."


FROM: "oo naman. crush kita eh."


TO: "ganon? kelan pa? hindi mo pa nga yata ako nakikita eh."


FROM: "siyempre nakita na kita. magiging crush ba kita kung hindi pa kita nakikita? dun sa party nga pala. :)"


huh? anong pinagsasabi nitong lalak--


OW-EM!! hindi kaya....


siya yung tinutukoy ni best? (o__o) so totoo nga talagang crush ako nitong taong katext ko. sheeet! may nagkaka crush nanaman sakin!


napahawak ako sa dibdib ko. ang lakas ng tibok! rinig na nga siguro ng kapitbahay eh. hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


*beep*

FROM: Ken

"gising ka pa ba?"


ay! ang tagal ko na sigurong nakatulala. huminga ulit ako ng malalim. pero hindi naman ako nalunod. haha char!


pinilit kong igalaw ang daliri ko para magreply. kaya lang hindi ko alam ang isasagot ko. bahala na!


kung ano ang itatanong niya sakin, yun lang din ang sasagutin ko at itatanong ko din pabalik sa kanya. hindi ko talaga alam! sorry na! hindi ako sanay sa ganito.


oo crush din ako ni Benj, nailang at nanibago din ako nun. pero ibang iba itong kaba ko ngayon. siguro kasi si Benj may approachable na aura. itong kausap ko parang...
ewan! hindi ko kinakaya ang lakas ng kalabog ng puso ko!


madaling araw na, magkatext parin kami. ang tiyaga niyang maghintay ng reply ko. palagi akong naba-blanko sa text niya kaya natatagalan ako lagi magreply sa kanya. hindi ko lagi alam ang isasagot ko kahit sa simpleng favorite color.


pero kalaunan ay unti unting nawawala ang ilang ko sa kanya. sinisikap niya ding maging casual ang getting to know each other namin para maging kuportable ako.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon