RL@WT 14

70 1 0
                                    

CHAPTER 14


[Ashley's POV]

*toktoktok*


"bukas yan. pasok!" pinihit ko ang doorknob at pumasok.


"best?" sabi ko. 


lumingon naman siya at ngumiti.


"oh bakit best? ano yun?" tumayo siya mula sa study table at pumunta sa kama. tumabi ako sa kanya.


"best tulungan mo ko." sabi ko


"oh! anong problema best?" nag-aalala niya nang tanong sakin.


"yun nga yung problema eh. hindi ko alam kung ano ba talagang problema ko." naguguluhan kasi ako. kayo ba naguluhan din sa problema ko?


"teka nga best! hindi pwedeng hindi mo alam ang problema mo. tungkol saan ba kasi?" Denise


"... tungkol sa ... ...--" hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. nahihiya ako! aasarin niya ko!


"sa??" 


"sa ... uhm ... d-dito best oh." turo ko sa dibdib ko.



*PAK* 

( TT__TT ) 


naging bayolente nanaman siya. kaya minsan nagdadalawang isip ako kung safe bang maging masaya si best. ako kasi ang nasasaktan.


"iiiiiih! best I'm so happy! sa wakas nagpakatotoo ka na!" pumagulong gulong si Denise sa kama niya.


"best please secret lang natin 'to." sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. halos magmakaawa na ko.


baka kasi idaldal niya kay Ken at sa iba. ang bunganga pa naman neto parang laging may hinahabol na quota sa pag-iingay at pagdada!


"I can't promise best but I'll try." at ngumiti pa ng malapad


"best naman eh! akala ko ba love mo ko?" nag-pout ako


"haha... ano ka ba? joke lang. siyempre naman love kita. eh pero teka, sino ba sa dalawa?" excited niyang tanong at lumapit ulit sakin.


napakurap kurap ako sa harapan niya, hindi makasagot.


"malandi ka! pumili ka lang ng isa gaga!" hinila niya ang buhok ko.


"aray! ewan ko! si Bryle kasi binigyan ako ng libro tsaka regalo nung pasko at valentines tapos nung acquaintance niyakap niya ko pero wala naman na siya dito, naglaho na at hindi nagparamdam. si Benj ang nandito tapos mas mabait pa si Benj, understanding, romantic, friendly, chill lang at willing maghintay. samantalang si Bryle naman pahamak sa buhay ko. ang kulit kulit masyado, hindi marunong makinig, nakakabwisit at pasaway. siya nga ang dahilan kung bakit napagalitan ako noon eh! sinabi ko nang wag na sumunod sakin pauwi pero sumama pa sa tricycle. ayun tuloy nakita kami ni papa tapos ang kapal ng mukha it--" halos mawalan ako ng hangin sa tuloy-tuloy kong daldal.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon