RL@WT 33

12 0 0
                                    

CHAPTER 33


[Ashley's POV]

"dear passengers, ladies and gentlemen, I ask of you to please fasten your seatbelts. flight number LN0243 bound to London is about to take off. Thank you for your attention." kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng mga luha ko. nakikiayon ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.


madilim ang kalangitan, kasing dilim ng galit at kalungkutang bumabalot sakin ngayon. malakas at mabibigat ang patak ng ulan, kasing bigat ng nararamdaman kong sama ng loob.


tama na 'tong pagpapaka tanga ko. baka pati sarili ko, makalimutan ko na ding mahalin dahil inubos ko na lahat kay Bryle. pagod na din akong umasa at maniwala sa mga salita niya. kaya ito at pupunta na ako sa tita ko sa London ... for good.


>>>>>Flashback<<<<<

nadito ako sa bahay ni best.. nagluluto ng sinigang na baboy with pagmamahal. :D okay OA na. pero seryoso, pupuntahan ko kasi si Bryle ngayon. gusto ko siya i-surprise kasi ilang araw na kaming hindi nagkikita at walang communication. super busy na kasi niya ngayon gawa ng next week na ang graduation nila. kaya imbes na magtampo ako, eh ako na ang magre-reach out sa kanya. oh diba ang sweet kong girlfriend? yeah I know!


"wow ang bango naman ng niluto mo best! nako siguradong masarap yan!" kumuha siya ng kutsara at tinangkang bawasan ang sinigang na nilagay ko sa tupperware. pero mabilis kong pinalo ang kamay niya.


"aray ko! ang damot mo naman eh saamin naman lahat ng ingredients na ginamit mo! ≥3≤" at talagang pinamukha pa? oo aminado na ko, wala kasi akong budget kaya dito ko naisipang magluto sa bahay nila para makalibre sa gastos. ahaha... tutal puno naman lagi yung stocks nila sa kitchen eh.


"wag kasi itong nasa tupperware ang kainin mo! para kay Bryle nga ito eh. ayun ang kaldero oh, doon ka kumuha at lamunin mo lahat kung gusto mo."


niligpit ko na ang pagkain at umalis na ng bahay nila. excited na kong makita si Bryle! tagal kaya naming hindi nagkita kaya na'miss ko siya. eh ako ba miss na rin niya? sana. ^_^


dun ko siya pupuntahan sa condo niya kasi ang alam ko, rest day nila ngayon sa graduation practice nila. pagkadating ko sa tapat ng unit niya, nag doorbell ako agad tapos nagtago ako sa gilid ng pinto para pag sumilip siya sa maliit na butas ng pintuan niya, hindi niya ako makikita.

 (a/n: sorry hindi ko kasi alam yung tawag dun eh. pero na'gets niyo naman diba? okay proceed)


"wait, sandali po." I frozed. familiar yung voice niya. teka nga, ano bang ginagawa niya dito? ba't nandito siya?


nang buksan na ang pinto, hindi nga ako nagkamali. gusto ko siyang sabunutan, sipain, at bugbugin. ANONG GINAGAWA NIYA DITO SA CONDO NG JE T'AIME KO?!!


alam niyo ba kung ano ang itsurang bumungad sakin?


mukha ni Thalia! gulo-gulo ang buhok, at suot niya lang naman ang green lantern shirt ni Bryle na regalo KO nung pasko!


Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon