RL@WT 12

59 1 0
                                    

CHAPTER 12


[Ashley's POV]

"si kuya Sky?! as in Sky Mendoza, The Campus Crush?" nagniningning ang mga mata ko ng ganito ( *o* )


narinig ko namang nag-tsh si Bryle then lalong ngumiti ng malapad si best. alam niya na sasama ako sa kanya. hehe


"uhh Bryle, saglit lang ha? babalik din kami." sabi ko kay Bryle. kumunot ang noo niya.


"iiwan mo ko dito? sino ba yang Sky na yan?" ang clingy ah! jowa ka?


"wag ka na magtanong papa Bryle. saglit lang naman kami. tsaka ang arte mo! nanjan naman si bebe Ken oh. kayo muna mag date. haha.. babush! ... tara na best." then tumakbo na kami ni best. hanga din ako sa babaeng 'to. ang taas ng heels niya tapos kaya niya parin tumakbo.


pagdating namin dun, Meged!! ampogi parin niya talaga!


"kuya Sky!!!!" sigaw ni Denise.


tumingin naman si Sky at ngumiti. hindi ako makagalaw. parang napako ang mga paa ko. natutunaw yata ako.


hinila ako ni best papalapit dun sa inuupuan nila.


"ikaw na ba yan Ash? wow dalagang dalaga ka na!" uminit ang pisngi ko. hanggang ngayon ganito parin ang epekto niya sakin.


"kuya, kuya sayaw naman kayo. dali na! hihihi" hila ni Denise samin ni Sky papuntang dancefloor.


"ok lang ba sayo Ash? sayaw tayo." Sky


"h-ha? sus oo naman. hehe" pustahan tayo mukha akong timang sa reaksyon ko ngayon.


so ayun sumayaw nga kami ni kuya Sky. hinawakan niya ang bewang ko at nilagay ko naman ang kamay ko sa balikat niya. gosh! first time ko siyang makasayaw at hindi ko inaasahang mangyayari pa 'to. am I dreaming?


curious kayo kung sino si Sky? sige kwento ko sa inyo. kung hindi naman kayo curious , magku-kuwento parin ako. kaya wala kayong choice. haha


1st year kami ni best ay 3rd year naman siya. simula palang nun ay isa na ako sa mga babaeng nababaliw kapag nakikita siya. pero wag kayo mag-isip ng kung anu-ano. all those years kasi ay walang nakakaalam na crush ko siya -- bukod kay best siyempre.


miyembro si Sky ng grupong KINGS.


bakit kings? simple lang.


silang lima daw kasi ang 'hari' ng school -- noong highschool years nila. corny ba? okay lang yan, pogi naman eh.


si Adrian ang Boy Next Door, ang pinaka makulit at isip bata pero sobrang bait at approachable. magaling din daw yan mag advice about love and life decisions.

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon