RL@WT 11

60 1 0
                                    

CHAPTER 11


|Foundation Week | Acquaintance|

nandito kami ni best ngayon sa salon. doing the girls' stuffs. ang arte kasi ng bruhang to eh! special daw ang event na to kasi 1st date ko kaya dapat maganda kami (note: KAMI. talagang dinamay niya ang sarili niya)


mamayang gabi na kasi ang acquaintance. ok..ok inaamin ko medyo excited ako. first date ko nga kasi diba? 


yun lang.


"I mean, kaya naman kitang ayusan best but kukulangin tayo sa time eh so.." Denise


ilang oras din bago matapos ang pag-aayos samin. light make up lang ang pinalagay ko sa mukha ko. then we went to the fitting room para sa final touches. 


the dress. 


nauna akong magbihis since isa lang kasi ang fitting room dito. sinuot ko yung baby pink na binili ko dati. 


"wow! ang ganda mo best!! pero siyempre mas maganda ako. haha! teka, hindi ko natatandaan ang dress na yan ah. san galing yan? naku ikaw best ha, nagsh-shopping ka na ng wala ako. nakakatampo ka!" nagpout siya. baliw talaga.


"FYI best, hindi mo talaga matatandaan to dahil ito yung dress na binili ko nung INIWAN mo ko sa boutique at sumama ka dun sa nobyo mo. REMEMBER?" diniinan ko talaga ang pagsabi ng 'iniwan' at 'remember'. haha wala lang.


nag-isip siya sandali.


"ahhh.. yeah I remember now. well I have to say, you have a good taste best. you can now pick a right dress without me. Dalaga ka na!! ayiie..." 


hay ewan. pumunta ako sa upuan at nagbasa ng mga messages habang si best naman ang nagbihis.


as usual halos GM lang, yung iba about sa acquaintance. kesyo excited and can't wait daw, pero meron ding hindi pinayagan, yung IBA naman hindi makakapunta dahil may ibang lakad DAW sila -- si benjie -- at yung iba a puro quotes nalang.


may message din galing kay Bryle. 


naisip ko lang, pati ba sa text iiwasan ko din siya?


FROM: Bryle Pogi! 

"ready for tonight? can't wait to see my crush. :-*"


(uy! don't get me wrong. siya nagpalit ng name na yan nung pinakialaman niya ang phone ko nung isang araw!)


*poke...poke...poke* 


"uuuyy...nanliligaw na ba sayo ang gwapong unggoy na yan? ha best?"


*poke...poke...poke* 


so dapat talaga tinutusok-tusok ang tagiliran ko? hmp!

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon