RL@WT 46

10 0 0
                                    

CHAPTER 46

[Ashley's POV]
Sa Sunday na ang kasal namin ni Bryle, and that's 3 days from now.

Excited ako na kinakabahan! ewan ko ba! feeling ko talaga ngayon palang, may stage fright na ko eh hindi naman ako rarampa sa isle. ilang hakbang lang naman ang gagawin ko simula sa pinto hanggang sa pwesto ni Bryle kasi sa office ng judge lang kami ikakasal. Konting kembot lang, nandun na ko sa tabi niya.

tsaka ang nandun lang naman ay ako, siya, yung judge, parents namin, ang barkada, at dalawang ninong at dalawang ninang. Ang ibang mga bisita naman ay sa reception na didiretso.

pero kung anong ikina-simple ng kasal namin, siya namang ikinagara ng mga regalo! Ang sa parents niya, Honeymoon sa HongKong! kila mama naman, condo unit sa BGC ang binigay.

well, at least hindi ko na kailangang mag-alala na titipirin na naman ni Bryle ang honeymoon at titirhan namin! I understand his reasons, and I get it. hindi naman ako lumaki sa luho para magdemand ng engrandeng kasal. kaya lang, siyempre mapapaisip ka parin. Every girl have a dream wedding, you know.

And to experience that dream is a once in a lifetime moment for me. kung alam ko lang na ganito, edi sana noon pa man ay nag-ipon na ko ng pera para sa pangarap kong kasal! kahit pa hindi ko naman talaga sigurado noon kung dadating pa nga ba ang araw na mararanasan kong ikasal.

But at the end of the day, I realized that the most important thing is that, dream wedding or not, I am marrying the man I love.

Friday
Nandito kaming mga girls ngayon sa spa. nagpapa-facial and mani-pedi treatment. Naipamigay na ang lahat ng mga invitations at tapos na din naming gawin kahapon ang mga handmade souvenirs. wala na din akong ibang iintindihin kundi ang sumipot sa kasal sa Linggo kaya ngayon ay nagrerelax nalang kami.

"I still can't believe you're getting married na sis! noong kasal ni Denise, ikaw nalang sa ating lima ang single eh, tapos ngayon uunahan mo pa kaming tatlo!" Stella

"Yeah, that's true! Ang akala ko nga kami na ni Benj ang next. Scam pala yung hagis hagis ng bouquet! but I'm so happy for you!" Natawa ako sa sinabi ni Claire. siya kasi ang nakasalo noong kasal ni best at Ken.

"at kailangan niyo na ding humabol, best. Bigyan niyo na agad ng kalaro ang Eliz ko pagkatapos ng kasal ah." utos naman ni best sakin.

"wow! maka-demand ka naman, kala mo binibili lang sa mall yang hinihingi mo." sabi ko

pagkatapos namin sa spa ay dumating naman si Andrei para sunduin kami at ihatid sa mall para magmeryenda.

at dahil wala namang ibang gagawin o pupuntahan ay pinagsiksikan ni Andrei ang sarili niya sa Girls' Day Out namin.

"saan pala yung reception ng kasal niyo?" tanong ni Andrei habang puno ang bunganga at nilalantakan ang malaking cup ng inorder na Ice Cream.

"yuck! ano ba naman yan! tumatalsik yung ice cream mo!" reklamo ni Claire at nagpahid ng tissue sa braso.

"close your mouth Andrei!" si Stella naman

Tinawanan ko nalang ang kawawang Andrei. Nabu-bully na naman ng kambal.

Saturday
hindi ako makatulog! ano bang nangyayari sakin? nako ayokong pumangit bukas sa kasal ko! ayokong mag I do na malaki ang eye bags. T_T

I shut my eyes close at nag-concentrate sa mga tupa.

one sheep...

two sheep...

three sheep...

four sheep...

fi--

*ring ring ring*

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon