RL@WT 36

12 0 0
                                    

a/n: sino nakamiss kay Ashley? good news! nagbabalik na siya. yehey!! clap.clap.clap...

enjoy reading!! ^_^

----------------------------------------------------------------------—-——-------------------------------------------—----

CHAPTER 36


[Ashley's POV]

kakauwi lang namin galing sa galaan. pumunta lang kami sa Hyde Park. sayang nga eh di sumama si best. inuna kasi ang jowa!


"hihihi...sige! basta ba promise mo, yung hinihingi ko ha?" narinig kong hagikgik ni best. medyo nakabukas kasi yung pintuan niya eh.


"aba syempre! hindi libre ang serbisyo ko. anong akala mo? pagkatapos ng lahat, tatanggap nalang ako ng Thank You? haha..NO way!" sino ba kausap neto? lumapit ako ng konti at sumilip. nakadapa siya sa kama niya at may kausap sa Skype. sigurado akong hindi si Ken yun. iba kasi siya makipag-usap pag kay Ken eh. nag-kibit balikat nalang ako at pumunta sa kwarto ko.


dinner. nakakapanibago, ang tahimik ni best ngayon. kumakain lang siya at hindi masyado nagsasalita, unless kailangan. may sakit ba siya? problema kaya?


"Denise dear, are you sick? bakit ang tahimik mo?" worried na tanong ni tia Mia kay best.


"po? ah tita hindi po..hehe. wag niyo nalang ako pansinin. may iniisip lang po ako." sagot niya naman.


maaga akong umalis ng bahay dahil balak kong mag jogging. wearing my sweat pants and jacket at malakas na music na nakasalampak sa tenga ko, ay parang wala sa sarili akong tumatakbo. pakiramdam ko tumatakbo lang ako sa kawalan at walang pakialam sa paligid.


*BEEEEEEEEPEEEEEEEP* halos lumabas na ang puso ko sa dibdib nang mapatalon ako sa gulat dahil muntik na akong masagasaan. tinanggal ko ang earphones ko.


"HEY! WATCH IT STUP-- Ashley?" wika ng driver na...teka, kilala niya ko? naningkit ang mata ko sa lalaki. kilala ko 'to ah!


"Benj?" pabulong na tanong ko. tinitigan kong mabuti ang lalaking kakababa lang ng kotse niya at nakangiting papalapit sakin. 


"oh my gosh Benj ikaw nga!" wow! what a small world.


"kamusta na? naging kayo ba ni--" alam ko na ang itatanong niya. kaya hindi pa siya tapos sa sasabihin niya ay iniba ko na ang usapan.


"ikaw ang kamusta na? small world at dito pa tayo ulit nagkita." summer na kasi naging kami ni...ehem! basta. at hindi niya na nalaman kasi nag-iba na kami ng school.


"ahh oo nga eh. last month lang ako dito after ng graduation." 


niyaya niya ko magkape para makapag kamustahan naman kami kaya pumunta kami sa malapit na coffe shop. pero dahil hindi naman ako nagkakape, hot choco nalang ang inorder niya para sakin.


"ay oo nga pala no? graduate kana pala ng highschool. uy congrats!" sabi ko tapos tinapik ko ng mahina yung bandang balikat niya. 

Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon