RL@WT 15

57 1 0
                                    

CHAPTER 15


[Ashley's POV]

HALAAA KAAAAA! si Bryle kasama namin papuntang Boracay?! katabi ko pa!

ano nang mangyayari sa 1 week kong pagrerelax? pano ako makakapag isip ng maayos kung nandito siya?




SHIT!


di kaya sinabi ni best kay-...


inang Denise na 'yan! pinagkanulo ako habang natutulog! bwisit!! nakakahiya! napanaginipan ko pa naman siya tapos katabi ko pala!


shet! nagsalita kaya ako? napangiti? nakuuu! baka isipin nun....


AAAIISH! ayoko na!


"tara na daw. ano? jan ka lang? babalik na ng Manila ang eroplano. sasama ka?" nakangiti siyang naglahad ng kamay. napalunok ako.


"o-oo bababa na." tumayo ako at nilagpasan siya. binalewala ko ang kamay niyang nakalahad.


kainis!


pagkababa ng eroplano, pumunta naman kami ng pier. bangka daw kasi ang sasakyan papuntang isla ng boracay. at katulad ng sa airplane, kami parin ni bryle ang magkatabi. 


(-__-)


inaalalayan niya ko pero as much as possible iniiwasan ko siya. hangga't may option akong umiwas, iiwas ako. pero may mga pagkakataong kailangan kong tanggapin at humawak sa kamay niya dahil mahuhulog ako sa dagat kung mag-iinarte ako at hindi hahawak sa kanya.


at lumalapad naman ang ngisi ng tatlo kong kasama tuwing nangyayari yun. UGH!


minuto lang ang layo at pagdating dun, cab naman ang sinakyan namin papunta sa maliit na beach resort na pag-aari ng lola ni best. ako naman ay namangha sa ganda ng lugar. totoo nga ang sinasabi nila, isa itong paraiso.


pagdating ng resort, agad akong tumakbo sa dalampasigan.


 ang gandaaaa !! (*o*) puting-puti nga talaga ang buhangin, at ang pino. 


I think I'm in love ! 


yeah.yeah. 

nakaka in love talaga ang lugar. idagdag mo pa ang malinaw na tubig ng dagat.


"hoy babae! tama na muna yang paghanga mo sa dagat! hindi naman aalis yan jan!" sigaw ni Denise. 


ay oo nga pala. naku! nakalimutan ko ang mga bagahe ko. lagot!


"yung maleta mo pala nandun na sa kwarto dinala na ni Bryle. masyado ka kasing busy eh." dagdag niya. teka, may kasalanan pa pala siya sakin!


Right LOVE at the Wrong TIME [COMPLETE] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon