Chapter 28

1.8K 42 0
                                    

3rd Person Point of View

Napakalakas na mga putukan ang naririnig sa teritoryo ng mga Hyeon. Palitan ng mga putok. Mga tumatagaktak na dugo. At higit sa lahat, ang napakainit na labanan sa bawat partido.

"Lady Kendra ubos ang reaper sa secret spot! May nakapasok na mga Sakurazaki doon at pinaslang nila isa isa ang mga tauhan doon" sambit ng isa sa tauhan ni Kendra. Napatayo ang dalaga at halata ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Mga hangal kayo!! Paano nakapasok sa hiding spot natin yun? Si Katsu? Asan si Katsu?!" Galit na sambit ni Kendra. Napaangat ng ulo si Fuyumi. Napaisip siya. Sa wakas andito sila para iligtas siya. Sa wakas matatapos na rin ang kasamaan ni Kendra.

"Huwag kang ngingiti ngiti dyan Fuyumi! Dahil hindi sila magtatagumpay sa binabalak nila. I won't let them! I will kill all of you. All of you I swear!!" umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Kendra. Kinasa niya ang baril niya atska lumabas ng kwarto.

"Hello Katsu? Bakit pumalpak ang plano? Paano sila nakapasok?" Nanggigilaiting tanong ni Kendra.

[I don't know.. Oobserbahan ko sila.. Bye] pabulong naman na sambit ni Katsu.

Kasalukuyang kasama ni Katsu sina Kenneth at James. Nakikipagpalitan sila ng putok sa mga Hyeon.

"Sino ba yang kausap mo Katsu?" tanong ni James. Nagtataka na rin si James sa kinikilos ni Katsu. Hindi niya tinatamaan ng bala ang mga Hyeon. Lagi nalang sa pader niya pinapaputok ang baril niya at napansin niya na talaga iyon.

"Wala. Mga sniper sa taas. Okay naman daw sila" Pagsisinungaling ni Katsu.

"What the fvck. Where are the Flynns?" kasalukuyang tanong ni Kenneth. Nagtataka lamang siya at bakit wala ang mga ito dito sa basement.

"Don't worry Ken. Ginawa na nila ang part nila. Kailangan natin maghiwahiwalay lahat ng sa ganun may nagmamansid din sa ibang daan" sambit naman ni Tyler. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang baril at siya namang napansin ni Kenneth.

"What the fvck is wrong with you?"

"Wala 'to pinuno. Di ko lang kasi matagalan kapag may kasama tayong traydor" At bigla ay nanigas si Katsu sa kanyang kinatatayuan.

***

"Daddy Karl!!!!" Nagtititili si Kianna nang kasalukuyang magising si Karl. Tuwang tuwa ang bata dahil sa wakas gising na din ang tatay tatayan niya.

"Karl? Oh my gosh you're awake. Tatawag lang ako ng doctor ha? Sandali lang Karl" Tumayo si Shina at maglalakad sana papuntang pintuan nang biglang hinawakan ni Karl ang kamay nito.

"Tatawag lang ako ng doctor Karl.. Don't worry. I'm just here okay?" Shina just smiled. Lumabas siya ng kwarto ni Karl at kasalukuyang tumawag ng doctor.

Chineck ng mga doctor si Karl at si Kianna naman at tuwang tuwa at hindi umaalis sa tabi ni Karl.

Sinabi ng mga doctor na stable na daw ito ngunit kailangan pa muna siyang manatili sa ospital upang matignan ng maigi ng mga doctor.

"Did you know Daddy I saved mommy's life. I'm a superhero now daddy! I want to save other's life!" Pagkukwento ni Kianna. Napangiti nalang si Karl at hinawakan ang kamay ni Kianna. Hindi pa ito makapagsalita. Paralyze pa ang kalahati ng katawan niya.

"Magpagaling ka na Karl. Wala ng kalaro si Kianna. Namimiss ka na niya" Bakas naman sa mata nito ang saya.

Naputol bigla ang aming pag-uusap nang biglang may pumasok sa kwarto ni Karl.

Shina's jaw just dropped. What the hell? Who is she? I mean. Bakit ganyan siya? Anong nangyari sakanya? Sunod sunod na mga tanong ang pumapasok sa kanyang isip.

Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon