Chapter 20
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
Agad kaming lumuwas sa Maynila nang malaman namin ang nangyari kay Annie. Sobrang nadepress si James nang nalaman niya nakunan si Annie. Si Annie iyak lang ng iyak buti nalang talaga andito ako at inaalagaan ko siya. Pinaiwan ko muna si Kianna kela mommy.
"Annie kumain ka muna may dala akong pagkain oh" Pero hindi niya ako nilingon at nakatulala pa din siya sa kawalan. I sighed. Hindi pa siya kumakain kagabi pa. Nag-aalala na ako sakanya. Si James naman na kay Kenneth na. Siguro pinapakalma muna.
"..Annie kumain ka muna. Kagabi ka pa hindi kumakain" I sighed. Hindi niya talaga ako pinapansin. Nasasaktan talaga siya sa mga nangyayari sakanya.
"..Annie, huwag ka ng malungkot. May dahil siguro ang diyos kung bakit nangyari yan sayo. I'm sure makakabuo ulit kayo ni James.. Kung gusto mo, pwede mo naman hiram hiramin si Kianna. Annie gagawin ko ang lahat para maging masaya ka ulit. Huwag ka ng malungkot.. Nalulungkot din kasi ako kapag nakikita kong malungkot ka.. Please Annie? Nawala na si Chieri ayokong pati ikaw mawala sakin" Nakita kong mas lalo siyang napaiyak. Agad kong kinuha ang tissue sa bag ko at pinunasan ang pisngi niya.
"Shina..." sambit niya sa malumanay na tinig. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak sa dibdib ko.
"Andito lang ako sa tabi mo Annie" Hinimas himas ko ang likuran niya at pinatahan sa kanyang pag-iyak.
"Annie..." Agad kaming napalingon sa pintuan at nakita namin si James at bakas sa mukha niya ang pagkalungkot. Nilapitan niya si Annie at niyakap niya ito.
"Let's leave them alone" Biglang sabi ni Kenneth na hindi ko namalayan ay nasa tabi ko na pala. Tumango ako sakanya bilang sagot kaya lumabas muna kami saglit sa kwarto.
Paglabas namin ay umupo agad kami sa upuan at halos hindi kami magpansinan. Feeling ko talaga nagtatampo pa din sakin si Kenneth dahil dun sa sinabi ko sakanya kanina. Hindi ko din alam kung bakit ba naguiguilty ako.
"Galit ka ba sakin?" Binasag ko ang katahimikang namumuo saming dalawa. Ramdam na ramdam ko kasi na parang ang bigat ng atmosphere naming dalawa.
"I'm not" Iwas tingin niyang sagot. Sighed. I don't know but I hate this feelings..
"Ken.. Natatakot ako" Agad ay napatingin siya sakin. Tila ba nagtatanong ang mga mata nito.
"..Natatakot ako na baka maulit ang lahat ng naranasan ko sayo. Hindi mo naman ako masisisi Kenneth. Nasaktan ako dati at ayoko ng maranasan ulit yun"
![](https://img.wattpad.com/cover/22599048-288-k540330.jpg)
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Teen FictionShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...