Chapter 7
Kim Santilla Point of View
"Dito natin sisimulan ang malawakang paggalaw.. Ang pagsabog ng bomba ang isa sa sign para lumusob kayong mga reaper..." Tinitignan ko si Fuyumi mag-explain ng mga dapat naming gawin para mamaya. Napagisipan kasi namin na kailangan na namin gumawa ng kilos para sa mga Hyeon.
"And don't you even dare to follow me or I'll kill you all" sabat naman ni Kia. Ayaw daw kasi niyang pinakikielaman siya once na nakikipaglaban siya.
"We have a great plan here Fuyumi. All we need to do is to be careful" sambit naman ni Lady Hanayama. Ang nakatatandang kapatid ng mga Ferrer.
"What are we waiting for? We're running out of time" sambit naman nitong nasa tabi ko na si Kenneth.
Agad agad kaming lumabas sa mansyon ng mga Sakurazaki at kanya kanyang sakay sa mga kotse at motor para pumunta sa venue kung saan may panibago nanamang malawakang paggalaw.
***
"Tyler and Kim will come with me" sambit ni Kenneth kay Lady Hanayama.
"Okay I'll let James come with me" sagot naman ni Lady Hanayama.
"Let's move" utos ni Kia.
Kanya kanya kami ng suot ng uniporme. May mga nakapangwaitress, pangguard, mga nakauniporme ng pangjanitor at iba pa. Isa-isa kaming pumwesto sa dapat naming pwestuhan.
"Ang gwapo kong janitor" reklamo nitong katabi ko.
"Pwede ba Tyler? Hindi ito ang tamang panahon para makipaghanginan sayo" Nakakainis. May pagkafeeler din kasi ang isang ito.
"Nagsasabi lang ako ng totoo Kim. Aba ang swerte nga nila sakin eh. Janitor na artistahin" Hindi ko nalang siya pinansin at nilingon ko si Kenneth na walang binago sa itsura niya.
"Ang daya naman pinuno! Bakit ikaw hindi ka nakaunipormeng iba? Tss"
"Shut up Tyler or I'll blow your head with this gun" Malamig na sambit ni Kenneth sakanya.
"Woah easy pinuno! Nagtatanong lang ako. Teka! Makakaengkwentro ba natin ang heiress ng Hyeon?" Yung pumatay sa heiress ng Creston? Balita ko malakas daw siya..
"Yes. She's here. And I need to see her. I have a bad feeling about her" sambit ni Kenneth at bigla akong napaisip. Hindi kaya iniisip ni Kenneth hindi niya ito kakayanin?
"Hindi mo pa ba siya nakikita pinuno?"
"I haven't" sagot naman niya.
*Ting!*
Biglang bumukas ang elevator kaya agad kaming pumasok doon at pinindot ni Kenneth ang 13th Floor. Nasa isang hotel kami ngayon.
"Kakayanin natin ang mga Hyeon diba?" Biglang tanong ko sakanila kaya agad silang napalingon sakin.
"Nagpapatawa ka ba Kim? Huwag mong sabihin natatakot ka?"
"Tumahimik ka nga Tyler! Nagtatanong lang ako. Syempre humuhugot lang ako ng lakas ng loob" Knowing that Kenneth is here beside me? Siguro, kakayanin ko. I'll protect him!
"We just need to stick with the plan" sagot naman ni Kenneth.
*Ting!*
Biglang bumukas yung elevator kaya agad kaming lumabas. Nakita ko sa bandang kaliwa sina Harold na kunyaring nagbabantay.
"Kim watch out!"
*Bang! Bang!*
Bigla kaming napayuko nang may magtangka samin bumaril. Agad kong kinuha ang baril sa bulsa ko at ipinaputok iyon sa tatlong balak kaming lagutan ng hininga.
"Sa likod mo pinuno!" Agad akong rumisponde at ako na ang tumira dun sa nasa likuran ni Kenneth.
Tumakbo kami at nagtago sa pader at nakipagpalitan kami ng putukan.
"Tyler! Ibigay mo sakin ang riffle"
"Pero gagamitin to mamaya!"
"Let her use it Tyler" utos naman ni Kenneth. Ibinigay sakin ni Tyler ang riffle at pumauna ako sakanila. Kailangan namin maubos sa lalong madaling panahon ang mga harang dito. Nang naclear namin ang area ay agad kaming tumungo sa hagdan paakyat sa ika-14 na palapag.
"10...9...8...7..6..5..4...3...2...1.."
*BOOOOOM!*
Ang pagsabog.. Ibig sabihin simula na ng labanan. Agad nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao dito sa hotel at dun na kami nakatyempo ng galaw.
Sa unang hakbang palang namin ay nakita na agad namin ang hinihinalang reaper ng kabilang mafia.
Nilabas ko yung riffle at nakipagpalitan ako ng bala sa mga kalaban. Ganun din ang ginawa nila Kenneth at Tyler na sa tingin ko ay nagagampanan nila ngaayos.
Umusad kaming tatlo sa hagdan para sa huling palapag kung saan kami magkikita kita. Nang biglang lumapit si James samin.
"Pinuno! Buti nakita kita. Dalian mo umakyat sa taas dahil may tama na si Kia"
"What?! Fvck I need to go upstairs" Nagmamadaling umakyat si Kenneth sa taas na siyang sinundan ko din.
"Teka lang Kim!! Asan si Kenneth?" Bigla akong napatigil nang tinawag ako ni Lady Hanayama na kasama si Fuyumi.
"Nasa taas po! Sinundan niya si Kia kasi may tama na daw"
"What?!" Sabay pa nilang sabi.
"Napakakulit kasi ni Kia! Sabi ko kasi sayo Kana sundan mo siya!" Galit na galit na sabi niya kay Kana.
"Pero pinabalik niya ako. Sabi niya kapag daw sinundan ko pa siya papatayin niya ako"
"Tama na yan Krizzy! Sundan nalang natin sila sa taas" Agad agad kaming umakyat at naabutan namin sila sa taas at may kaharap na babaeng nakaitim at nakatakip ang mukha.
"Ikaw.. Ikaw ang heiress hindi ba?" Tanong ni Fuyumi sa babae at tinutukan ito ng baril.
"The one and only"
"Who are you?" Malumanay ngunit may halong pagbabanta sa bosses ni Lady Hanayama.
Unti-unting tinanggal ng babae ang kanyang maskara sa mukha. Naladlad ang kanyang mahabang buhok na kulay brown, maputi at may kamukha siya!!
"It's nice to see you again my dear brother and sisters.. Oh hi cousin!"
"Kendra?!!" Sabay sabay nilang apat na tanong. Yung mukha nila gulat na gulat na parang hindi maipinta.. Kendra? Sino si Kendra?
_____________________________________
AN:
Sino si Kendra?! Omegesh!
Kaaaway o kalaban?
-shinachii
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Novela JuvenilShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...
![Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]](https://img.wattpad.com/cover/22599048-64-k540330.jpg)