Chapter 16

2.3K 43 0
                                        

Chapter 16


James Tan Point of View


"Ano nang gagawin mo ngayon pinuno? Muntikan na mapuruhan yung anak ninyo" Tanong ko sakanya. Hindi man ako nakapunta dun sa bahay nila Shina kanina ay ibinalita naman sakin ito nila Fuyumi at Tyler.


"Fvck! I don't fvckin know what am I going to do with Kendra" sambit niya at galit na ibinato ang sigarilyong hinihithit niya.


"Una si Harold tapos ngayon yung anak niyo.. Who's next? Iniisa isa nila tayo" Kaya nga bantay sarado ako kay Annie eh. May inutusan akong isang reaper ng Sakurazaki na magbabantay kay Annie. Nagtataka nga siya kung bakit kailangan niya pa ng body guard eh.


"I need to take good care of our daughter and also Shina"


"Yeah bro. Kaya magingat ingat na sila" sagot ko naman.


"Pinuno.. May natanggap kaming sulat galing sa Hyeon" sambit ng kararating lang na si Tyler. Sulat?


"Sulat? Anong sabi sa sulat?" Tanong ko naman sakanya.


"Maghanda daw mamayang gabi. 12:00 sa Garwoods magtuos tuos daw tayo. Kapag hindi tayo pumunta may mapapahamak daw ulit" Ahh sh*t! Hindi talaga matigil yung kaluluwa ng kakambal ni Kenneth eh noh? Kung hindi lang talaga siya kapatid nitong mga to baka nilagutan ko na ng hininga yung babaeng yun.


"I know this'll going to happen. Just prepare yourself"


***


Karl Villareal Point of View


"Anong kailangan mo sakin Kieffer?" Tanong ni Kim. Nakipagkita ako sakanya dito sa isang restaurant. Kailangan ko siyang maka-usap.


"Hindi ako manggugulo Kim. Gusto ko lang makipagkasundo sainyo" sambit ko sakanya.


"Tinapos na namin kayong mga Flinn. At bakit naman kami makikipagkasundo sainyo? Hindi kami pinanganak kahapon Karl" Inis niyang sabi. Nakakuyom din ang palad niya at halata sa mukha niya ang pagkairita.


"Alam namin ang tungkol sa mga Hyeon Kim."


"We can handle Hyeons Karl. Kung napabagsak namin ang mga Flinn, hindi malabong magawa din namin yun sa mga Hyeon" Tch! Ang lakas talaga ng tiwala nila sa sarili nila noh?


"Talaga? Kaya niyong pabagsakin ang mga Hyeon? Tignan lang natin kung kaya niyo. Lalo na ang kalaban niyo ay si Kendra Hyeon na kapatid ni Ken" Alam ko na lahat. Oo bumagsak kaming mga Flinn nang dahil sakanila at kaya kami nanahimik ng matagal ay dahil kailangan namin maigapang ang mafia.


"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" Gulat na gulat niyang tanong. Natawa naman ako sa reaksyon niya.


"Huwag kang t@nga Kim. Hindi ba uso satin ang pagiimbestiga?" sambit ko ng may pagkasarkastiko.


"Kung hindi lang tayo nasa restaurant baka kanina ko pa pinaputok yang ulo mo" sambit niya. Natawa nanaman ako. Ang sarap niyang pagtripan.


"Shoot me baby.." Paghahamon ko sakanya.


"Tch. Hindi ako t@nga Karl.. Huwag mo kong utusan"


"Talaga? Akala ko ba gusto mo kong patayin? Diba nasa Black list kami ng Sakurazaki? Why don't you shoot me?" Hamon ko.


"Hindi muna kita papatayin ngayon Karl.. May pakinabang ka pa sakin" I laughed even harder. Sa sobrang lakas ng tawa ko ay napatingin na samin ang ibang mga customers.. Pinapatawa talaga ako nitong babaeng to.


"Ganun ba Kim? That's nice! Pagisipan mo yung sinabi ko sayo.. And anyway, anong sabi mo? Nananahimik kami?" I looked at her. Nginisian niya lang ako.

Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon