Chapter 21

1.7K 35 9
                                    

Chapter 21

3rd Person Point of View

Inis na inis si Fuyumi nang malaman niya ang nangyari sa asawa ni James. Ganyan nalang ba kadesperadang makapaghigante si Kendra? For fvck sake! Pati yung mga taong kinalaman dito dinadamay niya!

Kinontak niya si Kendra para makapagtuos sila. Sinabihan niya na wag magsama ng iba at kailangan nilang dalawa mag-usap. Hindi ipinaalam ni Fuyumi sa mga Sakurazaki ang kanyang gagawin. Napapansin din ng dalaga na lagi na lamang siyang sinusundan ni Tyler at ubod pa ng kulit ito.

"Hello? Asan ka na?" Sinagot ni Fuyumi ang kanyang telepono na kanina pa ring ng ring.

[Andito na ako Fuyumi. Siguraduhin mong wala kang kasama dahil hindi tutungtong sa magandang usapan ang gagawin ko sayo pagnalaman kong nagsama ka ng mga Sakurazaki]

"Wala akong kasama" Walang buhay na binaba ni Fuyumi ang kanyang telepono at ipinark ang kanyang kotse. 

Kailangan na talaga niyang kausapin si Kendra at ng mapigil ang kahibangan nito. Hibang na hibang na talaga ang babaeng yun. Masyadong mahaba ang sungay niya at kailangan na iyon putulin sa lalong madaling panahon.

Naglakad si Fuyumi papunta sa isang liblib na lugar kung saan ay napag-usapan nila ni Kendra na makipagkita. Naghanda din siya ng armas sa sarili niya dahil alam niya na hindi mo madadaan si Kendra sa santong usapan. Puro paspasang usapan dapat idinadaan ang babaeng iyan.

Pagkarating niya sa lugar ay agad nakita niya si Kendra. Nakakunot ang noo nito. Naka-crossed arms na tila ba eh siya ang masusunod.

"Anong kailangan mo sakin Fuyumi?" tanong ni Kendra habang pinapaikot-ikot sa kamay niya ang isang susi.

"Kailangan kong putulin ang mahaba mong sungay Kendra. Ano bang problema mo ha? You're completely insane!" Fuyumi hysterically said. Kendra just smirk. Tila ba gustong gusto niya ang mga nangyayari.

"Insane? Well thank you my dear cousin. Ngayon mo lang ba nalaman?"

"Tss. Baliw ka nga talaga. Hindi ko lubos na maisip kung kamag-anak ka ba talaga namin?" Taas noong sambit ni Fuyumi. Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Kendra. Naging seryoso ito.

"You consider me as one of your family? Oh? Akala ko ba tinaboy niyo na ako" May halong pagkabitter ang tono ng kanyang pananalita.

"You're wrong Kendra. Hind--" Hindi pinatapos ni Kendra magsalita si Fuyumi dahil bigla niya itong ginatungan.

"Wrong? Nakakatawa kayo. Ngayong successful na ko atska niyo ko hinahabol habol? Ngayong matapang at matibay na ako atska kayo lumalapit sakin? Bakit? May kailangan siguro kayo sakin. Kung talagang importante ako sainyo sana noon palang Fuyumi.. Noon palang!" Halata ang pagpipigil ng emosyon ni Kendra. Kapag naaalala niya ang mapait niyang nakaraan ay halos gusto niyang mag-wala at gusto niyang komprontahin at saktan ang tunay niyang mga magulang.

"Ginawa lang nila tita at tito yun for your own good. Kendra, ayaw ka ng ibigay ng mga Hyeon nang kinukuha ka nila tita" 

"Liar! Magsama sama kayong mga sinungaling. When I'm with Hyeons, I feel special.. Hindi nila ako pinabayaan.. They treated me like their real daughter.. Tapos ngayon ano? Papaniwalain mo'ko na sila pa ang masama? Turning tables? You're funny Fuyumi.. You're funny" Mapait na tumawa si Kendra habang si Fuyumi ay nakatingin lang sakanya. Slightly open her mouth.

"Kendra.. Hindi mo talaga sila maintindihan.. Maybe you shoul talk to your family.."

"I don't want to talk to those people who's always there when they need something" Matigas na sabi ni Kendra. Fuyumi just sighed.

"You can't pleased everyone nga naman. Pero eto tatandaan mo Kendra, wag na wag mo na ulit gagawin ang ginawa mo sa asawa ni James dahil baka kahit ako hindi kita mapatawad" galit na sabi ni Fuyumi. Kendra just grinned. She likes the view. Seeing Fuyumi gets mad is heaven for her.

"What if gawin ko?" Makahulugang tanong ni Kendra.

"Try me Kendra.. Try me. Maiksi ang pasensya ko. Kahit pinsan pa kita"

Ngumiti si Kendra sakanya ng nakakaloko at bigla ay tinutukan siya ng baril. Hindi nagpaawat si Fuyumi at itinaas din niya ang kamay niya na may hawak na baril.

"You came prepared huh" sambit ni Kendra kay Fuyumi.

"Of course couz. Well, alam ko naman ang tinatakbo ng utak mo eh. Hindi na din naman ako magugulat"sagot naman ni Fuyumi sakanya. And for the nth time... Kendra grinned from ear to ear. Na tila ba ay may plano pa itong hindi maganda.

"Well.. Expected mo na pala to eh..." Tumingin si Kendra sa likuran ni Fuyumi "..Get her" 

Halos manlamig ang buong katawan ni Fuyumi nang makaramdam siya ng tatlong matigas na bagay sa ulo niya.. It's a gun..

"You liar! Akala ko ba tayong dalawa lang ang mag-uusap dito?!" Fuyumi just hissed but Kendra just shrugged.

"Akala ko ba expected mo na 'to? Gosh dear cousin. Hindi ko naman papalagpasin na hindi ka kunin noh. Marami akong kailangan sa Sakurazaki and I will use you as a bait.." Kendra devilishly laugh. Fuyumi's face turned red. Galit? Oo galit na galit siya sa babaeng 'to.

"Take her to the van" Utos ni Kendra sa mga tauhan nito. Tinakpan nila ang mukha ni Fuyumi ng isang panyo at unti-unti siyang nakatulog.. There is a drug in the handkerchief.. It's the Paracomotic...

________

~shinachii

Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon