Chapter 10
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
"Shina just calm down. Tumawag na kami ni James ng mga pulis" sambit ni Annie saken.
"Calm down Annie? How can I calm down?! Kinidnap sina Karl at Kianna.. Ano nalang gagawin sakanila?! Paano kung may masamang gawin sa anak ko? Hindi mo ba naisip yun?!" Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Karl at lalong lalo na sa anak kong si Kianna.
"Swetheart..." Agad akong napalingon sa pintuan.
"Karl! Kianna!" I hugged them tight na parang ayoko na sila pakawalan. Antoher tear fell from my eyes. Hindi ko talaga kaya na may hindi magandang mangyayari sakanila. Baka ikamatay ko pa.
"Mommy.. I'm sorry"
"It's okay baby.. Next time wag mo na gagawin yun ha? Lagi ka lang nakakapit sakin para hindi ka mawala" sambit ko kay Kianna na umiiyak na din.
"Yes mommy I promise.. I just want to save daddy Karl" malungkot niyang sabi.
"Pero baby.. Hindi sa lahat ng bagay matapang ka. Dapat alam mo kung paano ka lumugar masyado ka pang bata para sumubok dyan sa kapahamakan. Next time wag mo na gagawin yun okay?" She nods. Niyakap ko siya ng napakahigpit.
"Sa tingin ko Shina kailangan niyo munang magusap tatlo. Uuwi muna kami ni James" Oo andito sina Annie. Tinawagan ko kaagad sila at humingi ng tulong. Nagpanic na kasi ako at hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko. Since unang una sa listahan ko sa phonebook si Annie kaya siya na agad yung tinawagan ko. Nakakahiya nga dahil mukhang naistorbo ko sila ni James.
"Annie, James thank you sa inyo. Naabala ko pa tuloy kayo" sabi ko sakanila.
"Shina okay lang yun. Basta kung may hindi ulit magandang mangyayari tawagan mo lang kami" sambit ni James. Ang sama ng tingin sakanya ni Karl.. Anyare?
"Salamat" sagot ko sakanila. Tumango lang sila at nagdire-diretso sa labas.
"Manang! Pwede bang paki akyat muna si Kianna sa taas" utos ko sa katulong ni Kianna.
"Opo ma'am Shina. Halika na Kianna dun muna tayo sa taas" Agad niyang binuhat si Kianna at inakyat. Kailangan namin makapag-usap ni Karl.
"Karl.. Thank you"
"Anything for you sweetheart.. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak si Kianna. Pero Shina may nagawa akong kasalanan sayo" sambit niya. Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako. Parang iba yung pakiramdam ko.
"A-Ano yun K-Karl?" pautal utal kong tanong sakanya.
"Basta Shina.. Patawarin mo ko. Wala lang talaga akong choice kaya ayun ang ginawa ko.. Para mailigtas ko si Kianna" Ano bang sinasabi niya?
"Wala na akong pakielam dun Karl.. Basta importante sakin ligtas kayong dalawa. Wala na akong hihilingin pa" sambit ko sakanya. Ngumiti naman agad siya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.
"Thank you sweetheart.. Aalis muna ako ha?"
"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya.
"May aasikasuhin lang"
"Bumalik ka din ha"
"Sure.."
***
"Ma'am may naghahanap po sainyo sa baba" sambit sakin ni Manang.
"Sino daw po?" Sino naman kaya maghahanap sakin? Sina Annie? Pero magtetext o tatawag naman yun kung pupunta. Si Chieri? Pero sabi niya may date sila ni Harold. Mga tauhan ko kaya sa Amethyst Perfume Shop? Bakit naman kaya?
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Fiksi RemajaShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...