Chapter 6
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
"K-Kenneth.." Tila ba parang nanigas yung buong katawan ko. Nakatitig lang kami sa isa't-isa at nakikiramdam.. Ilang taon na ba simula yung pangyayari na yun? Bakit pilit pa din nagfaflashback sa isipan ko yun?
"You're back.." sambit niya sa mahinang tono. Hindi ako makasagot.. Parang may nakabara sa lalamunan ko.
Bzzzt Bzzzt
Bigla akong nagulat sa tunog ng cellphone ko. Si Karl pala tumatawag.
"Hello?"
"UWAAAAAHHHH!!!-- Sweetheart umiiyak na si Kianna asan ka na ba?" Ay shocks! Nakalimutan ko si Kianna nga pala.
"Paki sabi pauwi na ako eto na oh" Sabay lingon ko dun sa lalaking nasa harapan ko na nakakunot yung noo pero nakatitig sakin.
"Bilisan mo na sweetheart! Kanina pa nagtatantrums si Kianna"
"Sige bye pauwi na"
*toot toot*
Hindi na ako nagatubilin na tumingin sakanya.. Walang bara-bara na binuksan ko yung pintuan ng kotse ko pero may naramdaman akong humawak sa braso ko. Agad naman akong napalingon sakanya.
"I'm sorry.." Narinig kong sabi niya.
"Sorry for what? C'mon Kenneth past is past" Sorry? Pagkatapos niya kaming takbuhan sorry nalang ang sasabihin niya?! Grabe! Gusto ko siyang sampalin pero mas pinili ko nalang magpigil. Ang kapal ng mukha niya.
"..I need to go" Hinatak ko pabalik yung braso ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng kotse. Pagkapasok na pagkapasok ko dito sa loob ng kotse unti unti nanaman tumulo yung mga luha ko.. Bakit ba nakita pa kita? Diba sabi ko wag na wag magkukrus yung landas natin?
***
Buti nalang nakatulog na si Kianna.. I kissed her forehead at tinitignan ko siya matulog. This kid always reminded me of that man. Yung ugali niyang maiksi ang pasensya, yung pagkakahawig niya dun sa lalaking yun, yung ibang manerism niya.. Pero hindi naman ako nagsisisi na binigay sakin si Kianna. She's my life. Dati nung nasa London kami kapag uwi ko galing school napapawi lahat ng pagod ko kapag nakikita ko siya. Ang laki nga ng tulong ni Karl samin mag-ina dahil kapag school hours ko siya nagaalaga kay Kianna.
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Ficțiune adolescențiShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...