Chapter 25
3rd Person Point of View
Naghahanda ang mga Hyeon para sa nalalapit na laban. Alam nila na lulusubin na sila ng mga Sakurazaki dahil sa pagkakadakip kay Fuyumi. Hindi alam ni Kendra, pati pala mga Flinn ay kasangkot dito. Samantala, ang kawawang si Fuyumi ay pinabayaan lang sa isang kwarto habang nakatali ang kamay at nakatakip ang bibig. Ni hindi man lang ito pakainin o painumin man lang ng tubig. Hinang-hina ang dalaga at wala na itong lakas.
Pinuntahan ni Kendra si Fuyumi na may isang matamis na ngiti sa labi na tila ba ay may hindi ito magandang gagawin.
"Well Fuyumi.. Isn't that nice na magkafamily reunion tayo dito?" Tinapunan lang siya ni Fuyumi ng masamang tingin.
"..You know what? I've just found na may bastardong anak pala ang kakambal ko" Pagpapatuloy niya. Lumuhod siya sa harapan ni Fuyumi para magkapantay na sila. "...And I have a great plan to my uhh niece?" At tumawa siya ng pagkaloko loko. Naiisip ni Fuyumi na isa na talagang baliw si Kendra. Sariling pamangkin papatusin?!
Tinanggal ni Kendra ang nakatakip sa bibig ni Fuyumi para makapagsalita ito. Nagugustuhan talaga niya makita si Fuyumi na maghirap. Kung pwede lang talaga na wakasan na ang buhay nito agad agad pero may kailangan pa siya dito.
"Wala ka talagang puso Kendra! Pamangkin mo yun! Pamangkin mo!" Sigaw niya. Kahit na nanghihina siya eh gigil na gigil siya sa ugali ni Kendra. Napakasama ng ugali!
"Pamangkin? Who? You're funny.. You're so funny" and she slaps Fuyumi. Manhid na ang buong katawan ng dalaga dahil sa araw-araw na pagpapahirap ni Kendra sakanya.
"Ayan lang naman kaya mo diba? Sige sampalin mo lang ako! Palibhasa hindi ka marunong lumaban ng patas! Sa oras na malaman kong may nangyaring masama sa pamangkin kong si Kianna at kay Shina hindi lang ako ang makakapatay sayo.. Asahan mong magkakalasog lasog ang katawan mo sa kamay ng mga kapatid mo" Pero imbis na mainis si Kendra sa sinabi ni Fuyumi ay ngumisi lamang ito. Inismiran niya si Fuyumi na tila ba nang-aasar.
"Hindi ko talaga gusto tabas ng dila mo Fuyumi. Pero sige, pagbibigyan kitang insultuhin ako ng insultuhin pero kada insulto mo sakin isang pagpapahirap ang kapalit" Kumuha ng isang balisong si Kendra at itinutok iyon sa pisngi ni Fuyumi.
"...Eh kung tabasin ko na kaya 'yang dila mo gamit 'to nang hindi ka na literal na makapagsalita? Maganda yun Fuyumi.. Magandang maganda" At bigla na lamang ipinadulas ni Kendra sa pisngi ni Fuyumi ang balisong at nagkaroon ng isang mahabang sugat ang dalaga.
"Argh!!" Sigaw ni Fuyumi habang namimilipit sa sakit. Tumutulo ang dugo nagmumula sa kanyang pisngi. Umiiyak na ito sa sobrang hapdi habang si Kendra tumatawa lang ng pagkalakas lakas.
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Teen FictionShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...