Chapter 3
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
Nagising ako nang may narinig akong parang umiiyak sa CR.. Anong oras na ba? Time check 12:30 pm Weh? Lunch time na pala. Nakatulog kasi ako pagkatapos kong ihatid si Kianna sa school. Lumapit ako sa CR para tignan kung sino yung umiiyak sa loob.
"Kianna? What are you doing here?" Tanong ko sakanya habang nakaupo siya sa sahig ng CR at nakataas yung dalawa niyang tuhod tapos nakapatong ang mukha niya dito. Agad agad ko siyang binuhat at pinunasan yung luha niya.
"Mommy.. nothing.." She suppress a sob. Ano bang nangyayari dito sa batang ito? Ako tuloy yung kinakabahan eh. Agad ko siyang inilapag sa kama at binihisan.. Basang basa siya sa loob ng CR. Jusko pagnagkasakit nanaman to mahihimatay nanaman ako sa sobrang pagaalala..
"Baby.. Why are you crying? Tell me" tanong ko habang binibihisan at pinupunasan yung luha niya.
"Mommy.. My classmate said my real dad didn't love me.. so that's why I don't have my real dad.." sagot naman niya.. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.. Kianna used to asked about his dad pero hindi ko yun masyadong sinasagot dahilan siguro ng pagkakagalit ko sa lalaking yun.. I hugged her tight and let her cry in my arms.
"Shh... Sino ba nagsabi na hindi ka nun love? Kahit papaano love ka nun baby.. Is mommy not enough for you? Andyan din naman si daddy Karl mo ah. He loves you too baby!" I kissed her head at pinunasan ko yung luha niya.. She just hugged me tight and gave me a weak smile.. Alam kong naghahanap siya ng pagmamahal ng tunay niyang ama. Paano ko ba ieexplain sakanya na sa umpisa palang wala na siyang pakielam samin.
"But mom.. Honestly speaking.. I want to see my real dad.. I want to say thank you and I love him.. Eventhough he didn't love me.. I want to still thank him for giving me to you.." How sweet.. Tumingala ako para hindi niya mapansin na umiiyak ako.. Buti nalang pala hindi mo namana ang ugali ng tatay mo..
"Gusto mo bang mamasyal tayo baby?" Tanong ko na siya naman na ikinasigla niya.
"Really mommy? Is daddy Karl come with us?"
"Hmmm, Busy si daddy Karl mo eh. Pwede bang date nalang muna nating dalawa to?" Palagi nalang kasing kasama yung asungot na yun kapag nagbobonding kami nitong anak ko eh.
"Yay! Okay mommy. Hello kitty again please?" Nagform pa yung kamay niya na parang nagpapray.. Natawa naman ako. How cute my daughter is.
"Oo na! Ano pa bang magagawa ko.. Come on! Magayos ka na para makaalis tayo"
![](https://img.wattpad.com/cover/22599048-288-k540330.jpg)
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Novela JuvenilShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...