Chapter 5

2.9K 60 2
                                    

Chapter 5

Kim Santilla Point of View

Nagulat ako nang biglang nakita ko si Shina nung isang araw sa mall. Andito na pala siya. Pero nung umalis siya susundan ko pa dapat siya kaso bigla akong nakakita ng mga Hyeon.. Panigurado akong minamanmanan nila ang galaw ng mga Sakurazaki.

"Ms. Fuyumi.. Nakakita ako ng mga Hyeons sa mall nung isang araw" Pagbabalita ko. 

"Lintik na mga Hyeon! Ninakaw nila ang Paracomotic!!" Sigaw ni Katsu.

"And they kill the Creston's heiress" Sambit naman ni Kenneth na siyang kinagulat ko. Ano?! Pinatay nila ang heiress ng Creston? Parang nung kailan lang nakabarilan ko siya ah. Nakikita kong magaling din siya pero napatay nila? That's impossible!

"Isa lang ang ibig sabihin niyan.. Malakas ang mga Hyeon kaysa sa Flinn.. Magingat kayo dahil dalawang mafia na ang umaaligid sa mga Sakurazaki" sambit naman ni Ms. Fuyumi.

"Ano na ang gagawin nating plano?" Tanong ko sakanila. Kailangan na namin kumilos sa lalong madaling panahon. Baka hindi namin namamalayan may ginagawa na pala ang mga Hyeon ng hindi maganda.

"We need to get rid of the Flinn's first" sabi naman ni Kenneth.

"How? Hindi na naman sila makakakilos dahil napaslang na yung iba sa Japan" Sambit ko. Naging successful ang operation namin nun sa Japan. Pinalabas namin na ikakasal kami ni Kenneth sa ganitong araw. Agad na nanggulo ang mga Flinn's sa simbahan pero laking gulat nila nang walang seremonyang nagaganap at lahat ng mga malalakas na Sakurazaki ay nasa loob ng simbahan at nakatutok ang baril sakanila. Tanda ko pa ang itsura nila noon na halos manlamig ang buong katawan nila. Napatay sila doon kaya napilayan ang mga Flinn. Ngayo, may umusbong nanaman na bagong mafia.. Panigurado akong isang napakalaking problema nanaman nito.

"Hindi mo alam ang takbo ng utak ng mga Flinn, Kim. Kailangan muna natin makasiguro na hindi na makakakilos ang mga Flinn bago tayo magplano sa Hyeon.. Panigurado akong pagmamanman palang ang ginagawa nila sa ngayon" Pageexplain niya.

"So ano na ang gagawin natin ngayon?" biglaang tanong ko.

"Kailangan natin makuha ang kahinaan ng dalawang malalakas sa Flinn"

"Sino?"

"Sina Shiro at Karl.. Baka kasi kung matatakot sila ay may possibilidad na umalis sila sa Flinn" S-Si Shiro? Oo nga pala. Sila nalang ang natitirang malalakas sa Flinn. Si Kieffer at Rime.

Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon