Chapter 2

3.5K 84 4
                                    

Chapter 2

James Tan Point of View


Nagpunta ako ngayon sa mga Sakurazaki para mabisita sina Fuyumi. Imbitado sila sa gaganaping kasal namin ni Annie. Napakadami naming pinagdaanan pero sa kabila ng lahat ay nalagpasan din namin iyon. Kakaalis ko lang din pala sa mafia sa kadahilanang ayoko pang madamay si Annie sa mga gusot. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag ganun.


"Oh! Andito na yung ikakasal oh!" Bati ni Katsu.

"Aba aba! Kelan stag party dude?" tanong naman ni David.


"Tigilan niyo ko! Mga inggit nanaman kayong mga kumag kayo" At sinuntok ko ang balikat nung dalawa. Batian lang namin yan. May pagkabrutal.


"Matagal tagal ka na din hindi nakakadalaw dito James" sambit ng kakalabas lang na si Fuyumi. Dati tawag ko sakanya Miss Fuyumi bilang pagkumbaba ngayon ay Fuyumi na lamang dahil sabi niya mukha naman daw siyang napakatanda kung tatawagin siyang Miss Fuyumi.

"Oo nga eh. Yung fiance ko kasi eh" Napakamatampuhin pa nun! Minsan malalate lang ako sa date namin ng 3 minutes sobra ng makatampo akala mo isang oras ako mahigit na na-late TT^TT


"Congrats nga pala!"


"Asan si pinuno?" tanong ko. Parang masyadong subsob sa kumpanya nila yun. Tinuro lang ni Fuyumi ang kusina kaya agad ko naman iyon tinungo.


"Oy pare!" Masiglang bati ni Harold.

"Aba matinde! Akala ko hindi ka na dadalaw dito eh!" sambit naman ni Mason na katabi lang ni pinuno. Ganun pa din naman ugali niyan ni pinuno eh. Maiksi ang pasensya, walang pakielam sa paligid basta ayun na yun.



"G@go! Malamang busy ako sa kasal namin" sagot ko naman at naupo sa tabi nila. Yung mukha ni pinuno hindi nanaman maipinta.



"Saan ka ba galing kanina? Kinokontak ka namin pero hindi ka naman sumasagot" Paghihimutok na si mokong Harold.


"May sinundo lang kami ni Annie sa airport" sagot ko naman habang kinakalikot yung cellphone ko. Hmmm, bakit wala pang text si babe?


"Chicks ba pre? Pakilala mo dali para makapagpakasal na din ako!" masayang sabi ni Mason. Tawagan ko kaya si babe? Baka busy yun sa trabaho niya at sigawan nanaman ako kapag nagulo ko siya TT^TT



"Wala si Shina lang yun. Umuwi na galing London" sagot ko habang nakatingin sa cellphone. Itext ko kaya si babe? Pagod na kaya yun?


"Ah! Oo nga pa---" Napatigil akong magsalita nang nakita kong lahat sila nakatingin sakin.Yung itsura pa ni pinuno medyo nakanganga. Teka! Ano bang sinabi ko?


"T-Totoo ba....yan?" Medyo nagaalinlangan na tanong ni Harold. Nagisip muna ako sandali kung ano yung sinabi ko. Fvcksh*t! Nadulas ako.


"Is it true James? Is she...back?" May halong pagkadesperado ang bosses ni pinuno. Sh*t ka James bakit ba ang daldal mo? Sabi ni Annie wag ko daw muna sabihin dahil hayaan daw muna si Shina gumawa ng paraan.


"Fvck James!! Is it fvcking true huh?!" Bigla akong kinwelyuhan ni pinuno at agad agad naman na rumisponde ang dalawa at inilayo ako kay pinuno.. Mukhang mapapasubo ako nito.


"Oo pinuno. Bumalik na nga siya" Sa tingin ko kailangan niya na din malaman. Pero meron akong sikretong alam na sa tingin ko ay hindi ako pwedeng madulas.


"Where is she?! Huh?!" bulyaw ni pinuno.


"What the hell is going on here?" tanong ng kakapasok lang na si Fuyumi. Saglit na may bumalot na katahimikan.. Pero laking gulat ko nang biglang nagmamadaling umalis si pinuno.


Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon