Chapter 9

2.6K 60 2
                                    

Chapter 9

Shina Pearl Dela Cruz Point of View

"Ma'am may 100 orders po tayo!" Masiglang balita sakin ng secretarya ko. Andito ako ngayon sa Amethyst perfume shop. Ang bagong bukas kong branch dito.

"Sino yung umorder?" Grabe! Hindi ako makapaniwala. Kakabukas ko lang dito sa shop and may 100 orders na agad kami? This is so great!

"Wait check ko.. Uhhh. Kendra Hyeon po ma'am" 

"Ahh sige. Kelan daw kukunin yung orders?" Tanong ko. Kailangan ko din paghandaan yun. Dapat ko siyang makausap at magpasalamat na umorder siya ng ganun kadami.

"Next month pa naman ang palugit niya ma'am"

"Okay sige." Umalis muna ang sekretarya ko habang ako may chinecheck sa laptop ko. Hay.. Trabaho nanaman. Ano na kaya nangyari kela Annie? Naka! Naghoneymoon nga pala yung mga yun! Eh si Chieri kaya? Nako! May LQ pala yun.

Bzzzt Bzzzt

Karl Calling...

"Hello?" Napatawag yata to?

[Sweetheart pwede ko bang ipasyal muna saglit si Kianna? Nabobored daw siya dito sa bahay]

"Huh? Eh diba dapat nasa school yan?" School hours pa ah? Ang aga naman yata umuwi niyan?

[Maaga sila pinauwi kasi absent yung teacher nila] Ahh.. Kaya pala.

"Osge! Tignan mo ng mabuti yan si Kianna ah! Alam mo namang malingat ka lang saglit wala na yan sa paningin mo. Malikot yan" Naalala ko kasi yung sa mall. Jusko! Kamuntik muntik na yun. Pero yung time na yun parang feeling ko tinanggalan ko siya ng karapatan.. Karapatan na makita niya yung lalaking yun.

[Oo sweetheart! Ako bahala sakanya. Sige I love you!]

"Che! Bye" Makapagtrabaho na nga! Kailangan ko pang asikasuhin itong business ko.

***

Karl Villareal Point of View

Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon