Chapter 26
3rd Person Point of View
"Magaling Katsu! Napakagaling!" sambit ni Kendra habang may kinakausap sa telepono. Labis na kinagagalit ni Fuyumi ang kanyang mga nalaman. Si Katsu.. Siya ang traydor sa mga Sakurazaki. Pinagkatiwalaan pa naman niya ito. Hindi din siya nagalinlangan na pagkatiwalaan ito dahil alam niyang kaibigan siya ni Kenneth at kasama siya sa Black Death.
[Nauubos na sila dito. Paki bantayan ang pangalawang pintuan sa back doordahil maaaring dun sila dumaan] sambit naman ng lalaking kausap ni Kendra. Tumango tango ang dalaga sabay patay niya ng telepono.
"Nasisiyahan na ako sa mga nangyayari Fuyumi" Nag-angat lang ng ulo si Fuyumi dahil hindi na siya makatugon sa mga sinasabi ni Kendra. Hinang-hina na siya at hindi na masyadong maigalaw ag kanyang katawan.
"Malapit na kayong bumagsak Fuyumi" tuwang-tuwa na sabi ni Kendra.
***
Sa kabilang dako, takbo ng takbo si Shina sa kahit saan sulok ng kanilang bahay dahil nasusunog na ito.
Binubuksan niya ang pinto ngunit hindi niya mabuksan buksan. Paano ito nalock?
"Tulong!" sigaw niya ngunit walang nakakarinig sakanya. Nag-aalala na siya sa kanyang anak na si Kianna. Panay ubo nito dahil nalalanghap niya ang usok.
"Mommy.. I.. I c-can't.. B-Breath" Biglang nagpanic si Shina. Agad ay kumuha siya ng facetowel at binasa ito. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Kianna at itinakip ang basang facetowel dito.
"Wag.. mong t-tanggalin 't-to" Nahihirapan niyang sambit.
Pumunta siya sa pintuan at kinalabog kalabog niya ito sabay sigaw ng "Tulong!"
Nagkaroon ng sunog sa master's bedroom at hindi nila alam kung bakit. Buti na lamang nasa baba sila nang biglang may kung anong pumutok sa taas. At lalabas sana sila nang hindi naman nila mabuksan ang kahit anong pinto. Paanong nangyari yun? Tanong naman ni Shina sa kanyang isipan.
"Mommy.. How can we get out of here?.. Are we going.. To die?" Natatakot na sambit ni Kianna. Niyakap lang siya ni Shina.
"Makakalabas tayo" Kinuha niya ang cellphone niya at idinial ang number ni Kenneth. Lumalaki na ang sunog at napopollute na ang bahay nila ng usok. Ubo siya ng ubo.
Nakarinig sila ng isang malakas na putok sa itaas. May sumabog sa taas. Nagsimulang umiyak si Kianna at sobra na din nagpapanic si Shina.
[Hello waifu? ]
"Kenneth... " Naiiyak na sambit ni Shina. Napayakap nalang siya ng mahigpit sa kanyang anak upang tumahan na.
[Wife! Why are you crying?!] sigaw ni Kenneth sa kabilang linya.
"Help.. Help us" Sambit niya at nanghihina na din siya. Nabitawan na niya ang cellphone niya at niyakap na lamang si Kianna.
"Mommy?! Mommy!!! " sigaw ni Kianna pero tuluyan nang nawalan ng malay ang kanyang ina.
Sumagi sa isipan ng bata ang kanilang naging lektura sa eskwelahan kung paano makasurvive sa isang sunog.
Pumunta ang bata sa CR at ikinuha ang isang mahabang host. Ikinabit niya ito sa gripo binuksan niya ang tubig.
Kumuha siya ng damit sa washing machine at binasa ito. Inilagay niya ito sa mukha ng kanyang ina at binalikan ang host na binuksan niya kanina. Humanap pa siya ng iba pang host at kung sinuswerte nga naman siya. Nakakita pa siya ng dalawa at ipinagduktong niya ito. Napakatalinong bata.
Matapang na inakyat ni Kianna ang silid nila sa taas at inapela ang sunog. Unang bukas niya ng pinto ay bumungad sakanya ang napakalaking nagliliyab na apoy. Itinutok ng bata ang host upang mapatay ang aunog ngunit nakaka-ilang minuto na siyang nakatayo doon ay mukhang hindi pa din mapapatay ang sunog.
Nakarinig siya ng isang malakas na kalabog sa ibaba. Simbolong nasira ang pintuan.
"Shina?! Kianna?!" Boses iyon ng kanyang ama. Ngunit hindi niya pa napapatay ang sunog.
"Pinuno ako na maglalabas kay Shina. Hanapin mo nalang yung anak niyo" sambit ni Tyler at binuhat na ang walang malay na si Shina.
"Kianna!"
"Daddy upstairs!" Pagkatapos marinig ni Kenneth ang boses ng anak ay agad agad niya itong tonungo sa taas.
Pag-akyat niya ay gulat na gulat siya sa mga nakita niya. At paanong alam nito pumatay ng sunog? Nakita niya ang anak na may hawak na host at inaapela ang sunog.
Binuhat niya ang bata at nagmamadali silang bumaba.
"I'm worried sick!" sambit ni Kenneth sa anak nang makalabas sila ng bahay.
"Don't worry about me dad! I can handle myself" sagot naman sakanya ni Kianna.
"Bakit may basang damit sa mukha ni Shina?" Nagtatakang tanong ni Tyler.
"I was the one who put that" sagot ni Kianna.
Nagkatinginan si Kenneth at Tyler na parang hindi makapaniwala. Kay bata bata pa nitong si Kianna alam na niya kung anong gagawin in case na may emergency?
"Bro.. May future yang anak niyo" Umiiling-iling na sambit ni Tyler.
_____________________________________
Follow me on:
Facebook: www.facebook.com/angelcastlove
Twitter: @angelcastlove
IG: @shinachii~shinachii
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Last Name [COMPLETED!]
Teen FictionShina Pearl Dela Cruz Have been miserable as hell when Kenneth Aaron Ferrer left her. Karl Villareal is always there beside her and helping her to move on and to ease the pain. Is it possible that Shina will be falling inlove with Karl? Does Kenneth...