"Sia, ano na?!"
Napatalon ako sa pagkakatayo nang kalampagin ni Atasha ang pinto. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang pregnancy test na nasa may lababo. Naiiyak kong binuksan ang pinto at tumingin sa kan'ya. Positive lahat.
"A-Atasha . . ." Nanginig ang baba ko at binigay sa kan'ya ang test.
Kunot noo n'yang kinuha sa akin ang test. "Oh, my God. Oh, my God." Paulit-ulit n'yang bulong. She look at me. Smiling and there's a tear pooling on the side of her eyes.
Humikbi ako dahil sa ngiti n'ya. Sinasabi ng mga ngiti n'ya na andito lang siya para sa akin.
"S-Sino ang tatay?" Maingat n'yang tanong.
Tristan.
Siya agad ang pumasok sa isip ko dahil siya lang naman ang gumalaw sa akin. Noong gabing nalasing kami. Alam ko namang siya agad ang tatay dahil hubad kami pareho nang magising ako.
"Si Tristan." Sagot ko.
Ngumiti siya. "Ipapaalam mo ba sa kan'ya?" Tanong n'ya. Mabilis akong umiling dahil wala akong balak.
Hindi ko sasabihin. Itatago ko ito. Walang dapat maka-alam. Kahit kaibigan n'ya o kaibigan ko. Alam kong sasabihin ni April kay Eon sa oras na malaman n'ya ang tungkol dito. Maraming iniisip si Tristan, ayaw ko nang dumagdag pa.
I'll just hide it from him.
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Romancesia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022