"Sia, sigurado ka bang okay ka na mag-isa rito? Hindi mo ba ako kailangan dito?" Tanong ni Atasha.
After dropping from my school, we flew from Philippines to L.A. It wasn't my decision, but, I think this will help me to hide our baby.
"Kaya ko na, Atasha. Need mong umuwi ng Pinas, kailangan ka roon nila Mama." Sagot ko at bumuntonghininga.
Mahirap pala magbuntis. Hindi pa masyadong malaki ang tiyan ko pero hirap na hirap na ako. Minsan, gusto n'yang nakahiga lang kami, minsan naman dapat nakaupo ako. 'Yung ibang hilig ko na pagkain ay inaayawan ko na.
"Sia, mahirap ang mag-isa. I'll send someone na lang na makakasama mo r—"
"Seriously, Tash, I am okay. Hindi ko need ng katulong. Kakayanin ko naman lahat," seryosong sabi ko.
Kumunot ang noo n'ya nang tumingin siya sa cellphone ko. Tumingin din ako roon at nanlako ang mga mata ko nang makitang naka-on pala 'yon at wallpaper ko ay si Tristan na nasa cafeteria, nakasuot ng apron habang nakangiti.
"Okay? Ayan ang hindi gusto?" Mapang-asar n'yang tanong.
Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Wala naman akong sinabi na hindi ko gusto 'yon. Hindi lang ako handa at ayaw ko lang siyang masaktan kaya lumayo ako.
Nang umalis na si Atasha pabalik ng Pinas ay naiwan akong mag-isa rito sa bahay. Mabuti na lang at may citizenship ako rito. Umupo ako sa sofa at bumuntonghininga.
"Malungkot pala kapag mag-isa." Bulong ko sa sarili.
Dati pa naman akong mag-isa, bakit hindi pa ako sanay? Pero, hindi naman kasi ganito kalungkot 'yon magmula noong nakilala ko si Tristan. Parang hindi mabubuo ang araw n'ya kapag hindi n'ya ako iniinis, at hindi rin nabubuo ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang boses n'ya.
"Sorry, anak, ha? Ilalayo muna kita kay Daddy kasi hindi pa healed si Mommy sa lahat ng pains ko. Gusto ko . . . kapag nagkita ulit kami ng Daddy mo, okay na ako."
Sana nga maging okay na ako. It's not easy to heal from all the heartbreaks, pero they say it takes time.
So, I am hoping that if the day I am already healed, Tristan is still waiting for me.
BINABASA MO ANG
strawberry drink and cigarettes | ✓
Romancesia, who never liked someone because of the trauma she's bearing met this annoying barista in her new favorite café. *** daninininino, 2022